Blogger Widgets

February 22, 2011

TNHS Holdaper huli sa Tanay


Naku po ninong ko bakit kaya dumadami ang mga loko sa bayan ng tanay?
Kamakailan lang Peprero 18, 2011 around 7 pm. dalawang estudyante ng Tanay National High School (Victoria Turbila at Rishilla Terora kapwa 14 years old ) na naglalakad pauwi ang walang awang hinoldap ng dalawang holdaper.
Ayon sa report: Hinarang umano ng mga suspek at agad tinutukan ng patalim ang mga biktima at nagdeklara ng holdap at agad din kinuha ng mga lokong suspek ang mga cellphone ng mga kawawang estudyante at saka umalis palayo sa mga biktima.
Pagkatapos ng pangyayari agad nagpunta sa Police Station ng Tanay ang mga biktima para magsumbong.

Hanga ang Balitang Hane sa Pulis Tanay dahil ilang oras palang ang nakakalipas ay nasakote na ang mga lokong suspek.
Kinilala ang suspek na sina Michael Silahis at isang 17 anyos na lokong binatilyo na parehas taga Barangay Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Loko talaga tong mga holdaper na ito hane? eh nag hahapit na nga ang mga estudyante kaya naglalakad putek naman biniktima pa ng mga loko!
naku naman sana wag napo dumami ang lahi ng mga lokong ito.

source

Recent News

Popular Posts