Blogger Widgets

January 27, 2011

Jose Rizal o Andres Bonifacio ?

Isang Istatwa ng Ating pambansang bayani ang umagaw sa aking attensyon ng minsan mapadaan at makuhanan ko ng litrato ang Istatwa agad akong nagulat dahil hindi ko alam kung sinong pambansang bayani eto.


Kasalukuyang nakatayo ang Istatwa sa harap ng Simeon R. Bendaña Sr. Memorial Elementary School (SRB-MES)  sa Bayan ng Tanay sa Rizal.



Kung titingnan mabuti hindi nyo iisipin na si Bonifacio ito o si 
Rizal man para kasing pinagsama si Rizal at si Bonifacio. 

Matagal na ang naturang Istatwa ngunit hindi naman ito gaanong pansinin.
Sa iyong palagay dapat bang panatilihin iyan o dapat palitan ng mas maayos na Istatwa?

January 25, 2011

Babaeng taga Tanay Biktima ng Sumabog na Bus

Kahapon January 25, 2011 Isang Bus ang sumabog sa Edsa Buendia sa ngayon ay may lima ng patay ang naitatala at marami ang sugatan na isinugod sa Ospital. under investigation parin ang nangyaring pagsabog.

Isa sa mga sugatan ay kinilalang si Anabel Gozon na Taga Barangay Sampaloc sa Tanay, Rizal, 40 taong Gulang.


Ipagdarasal po natin ang mabils na paggaling ng ating kababayan.

January 24, 2011

Pistang Hane

Ginanap ang Pista ng Bayan ng Tanay noong January 22-23-24, 2011. Naging abala lahat ng mga taga Tanay simula sa unang araw ng kapistahan sa paghahanda at pag-aayos ng gayak ng bawat  barangay.
                                                      
                                  
Naging maayos ang naganap na Pista dahil sa pakikipagtulungan ng mga
 sundalo at pulis na na lumilibot sa buong bayan.



Bagamat naging maulan naging mabuti naman 
ang panahon ng mga sumunod na araw.

Tanay Bridge @Barangay Plaza Aldea.


Tanay Town Fiesta Parada ng Tanay, January 24, 2011



Barangay Wawa, Banda Kabataan
                          

















At gaya ng inasan inabangan din ang banda kabataan dahil sa galing nilang tumugtog.

Syempre hindi rin nagpahuli ang ibang banda ng barangay sa parada.


 














Agaw attention naman ang mga riders na ito na walang takot gumawa ng stunt sa parada.









Ban-drill Competition



Nakakalungkot lang na natalo ang barangay wawa sa hapon na iyon
 last year kasi sila ang nanalo sa Baton.


Mga Diskarteng Hane

HINDI PO ITO KASAMA SA PISTA 
Nakakatuwa lang panoorin ang mga nanonood sa ban-drill gagawin kc nila lahat 
makapanood lang ng maayos. 



kahit umuulan ng hapon na iyon hindi papapigil 
ang mga kababayan natin!



naku po! ang upuan bibigay na ata!



 

2 in 1 ang purpose ng motor pwede ring patungan.



ang layo ng tingin ah!





At syempre gaya ng inaasahan nanalo ulit ang Banda Kabataan.
kaya naman maraming gustong magpapicture sa kanila.










Instant celebrity's ang mga member ng banda kabataan.
dahil pinagkakaguluhan sila bago at matapos mag perform sila.



mababait naman ang mga member nito nagpapicture pa nga sila sa dalawa kong kasama.

naging masaya ang natapos na Pista sa Tanay, ikaw ano ang kwentong Pistang Tanay Hane mo?










Recent News

Popular Posts