Blogger Widgets

May 11, 2011

Babae natagpuang patay sa loob ng Motel sa Sitio Bukal, Tanay, Rizal

Isang 23 na anyos na babae ang natagpuang hubad at wala ng buhay sa loob ng Singapore Lodge sa Sitio Bukal, Barangay Tandang Kutyo, Tanay,Rizal Kahapon ng 3 a.m.
Kinilala ang biktima na si Grace dela Cruz na nakatira sa Manila East Road, Barangay Plaza Aldea sa bayan din ng Tanay.
Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng Tanay police, nag checked-in ang babae kasama ang Tatlong lalaki na omokupa sa isang kwarto.
Nalaman ang krimen matapos kumatok ang tauhan ng Lodge na si Alma del Barrio sa pinto ng mga nag checked-in. matapos ang ilang pagkatok ni Alma walang sumasagot kaya agad binuksan ang pinto gamit ang duplicate na susi.
Nagulat si Alma ng makita nya ang hubad na katawan at wala ng buhay ng isang babae at napansin din nya na wala na ang tatlong lalake na kasama nito.
Ayon sa Tanay Police merong posibilidad na Gang Rape ang babae bago ito pinatay.
Inimbitahan ng Tanay Police ang mga tauhan ng motel para makilala ang tatlong lalake na kasama ng babae para mabigyang katarungan ang kamatayan ni Grace.

Source: Journal.com.ph
http://www.journal.com.ph/index.php/news/metro/4938-woman-found-dead-naked-in-motel

May 10, 2011

Wawa Tinalo ang San Isidro sa Palarong Pambayan ng Tanay 2011!


May 10, 2011- Ginanap sa Tanay Gym ang Palarong Pambayan ng Tanay 2011 na pinangunahan ng Sangguniang Bayan ng Tanay halos mapuno ang gym sa sobrang dami ng tao.
Kasing Init ng Gabi ang laban ng magkabilang barangay.

Ito ang Quarter scores ng Magkabilang Barangay.

Quarter                                         Barangay Wawa                         Barangay San Isidro
   1                                                       16                                                    16
   2                                                       33                                                    29
   3                                                       48                                                    49
   4                                                       68                                                    63

From 1st to 3rd Quarter naghahabulan ang score ng dalawang team pero ng makaarangkada ang wawa ng higit sa sampung points iniwan na nila ang San Isidro at "rest the ball" na ang nangyari sa 4th Quarter dahil koonti na ang oras at wala ng magagawa ang San Isidro.


Ito ang Video Highlight ng Laro Brgy. Wawa Vs. Brgy. San Isidro




Ito naman ang Awarding Ceremony ng Palarong Pambayan ng Tanay 2011



ito ang ilang higlights ng nagdaan na mga laro:

Day 2: Video
Mga Barangay na naglaban.

Pinagkamaligan  vs.   Kat. Bayani
Plaza Aldea       vs.   Tabing Ilog
San Isidro         vs.    Mag Ampon





Day 7: Video


Palarong Pambayan ng Tanay Day 7 Highlights: Brgy.Sampaloc vs. Brgy. Kat bayani
Brgy. Aldea vs. Brgy San Isidro
Brgy. Mag ampon vs. Brgy. Tandang Kutyo 

at kasama ang nakakatawa at maiingay na manonood! baka nakunan ka ng aming camera!





Muli Congratulations sa Barangay Wawa!
At mapanatili kaya ng Barangay Wawa ang pagiging Champion next year?

Nagpapasalamat ang Balitang Hane Kay Fmr. Kagawad Alvin "Kabayan" Belarde" dahil sa imbitasyon na ma coverage ng Balitang Hane ang Palarong Pambayan at nagpapasalamat din ang balitang hane sa Sanguniang Bayan ng Tanay Sports Comittee



May 9, 2011

Brgy. Mamuyao sa Tanay inatake ng mga hinihinalang NPA


May 7, 2011 - Limang Sundalo at Dalawang Sibilyan ang sugatan sa pag atake ng mga hinihinalang mga NPA sa Barangay Mamuyao, Tanay, Rizal.
Ito ay kinompirma ng tagapagsalita ng Militar noong sabado.
Nakipagbakbakan ang ang 16th Infantry Battalion laban sa mga rebelde na umabot sa Limang Minuto.
Habang naglalaban naghagis di-umano ang mga rebelde ng mprovised explosive device sa mismong tapat ng Day care center na ikinasugat ng limang sundalo at dalawang sibilyan.
Agad naman dinala sa Hospital ng Camp Capinpin ang mga sugatan.

Source Phil. Star
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=683561&publicationSubCategoryId=200

Recent News

Popular Posts