Blogger Widgets

February 22, 2011

TNHS Holdaper huli sa Tanay


Naku po ninong ko bakit kaya dumadami ang mga loko sa bayan ng tanay?
Kamakailan lang Peprero 18, 2011 around 7 pm. dalawang estudyante ng Tanay National High School (Victoria Turbila at Rishilla Terora kapwa 14 years old ) na naglalakad pauwi ang walang awang hinoldap ng dalawang holdaper.
Ayon sa report: Hinarang umano ng mga suspek at agad tinutukan ng patalim ang mga biktima at nagdeklara ng holdap at agad din kinuha ng mga lokong suspek ang mga cellphone ng mga kawawang estudyante at saka umalis palayo sa mga biktima.
Pagkatapos ng pangyayari agad nagpunta sa Police Station ng Tanay ang mga biktima para magsumbong.

Hanga ang Balitang Hane sa Pulis Tanay dahil ilang oras palang ang nakakalipas ay nasakote na ang mga lokong suspek.
Kinilala ang suspek na sina Michael Silahis at isang 17 anyos na lokong binatilyo na parehas taga Barangay Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Loko talaga tong mga holdaper na ito hane? eh nag hahapit na nga ang mga estudyante kaya naglalakad putek naman biniktima pa ng mga loko!
naku naman sana wag napo dumami ang lahi ng mga lokong ito.

source

Pasukin ang Bahay sa Wawa


Sa mga nagagawi sa Barangay Wawa sa kahabaan ng Pastor G. Santos Street hindi maiiwasan mapatingin sa isang gusali na animoy Italian inspired na bahay at hindi rin maiwasang mapag-usapan.
Ito ang Alfonso Residence na sinimulang gawin Year 2005. Ang bahay ay pagaaari ng Pamilya Alfonso na nakabase sa Canada.
Nagkaroon ng pagkakataon makapasok ang Balitang Hane sa loob ng naturang bahay.

Front-yard 


Mapapansin ang mga maliit at cute na duwende sa garden ng bahay.


Front Door.








The Tower.


Inside: the receiving area


Bathroom:
May tatlong bathroom sa bahay dalawa sa baba at isa naman sa taas.


Napahanga naman kami sa jacuzzi sa second floor.


Backyard:




Ayon sa may-ari hindi pa gaanong tapos ang construction ng bahay nila ngunit 
naging attraction na ito sa naturang barangay.

ikaw ano masasamo sa bahay na ito?









February 14, 2011

ABS-CBN Caterer patay sa aksidente

Alas dos ng madaling araw. ng Sabao February 12, 2011,  Isang lasing na driver na nagmamaneho ng Innova ang nakabangga ng isang Toyota Revo sa k-7 corner k-8 street sa West Kamias, Quezon City.
nakaligatas ang lasing na driver ngunit patay naman ang 2 sakay ng toyota revo na kinilala sa pangalang: Ella Fernandez at Hillaria Garcia.
Si Hillaria Garcia ay isang ABS-CBN caterer at mamimili sana sila ng mga sangakap sa palengke para sa taping ng OKATOKAT sa Tanay, Rizal ng masalpok sila ng Innova ng lasing na Driver na si Areld Payofelin.
Agad naman inamin ng suspect na kasalanan nya ang lahat.


Source:
http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/02/12/11/drunk-driver-kills-2-qc

February 6, 2011

Tagong Paraiso sa Tanay Rizal



Alam mo ba kung saan kuha ang larawang ito? Tagaytay? Baguio?
hindi  ito ay kuha sa Tanay, Rizal! Hane po!
Nasubukan nyo na bang maggala sa Bandang Sitio Mayagay, Tanay Rizal?
Kung hindi pa eh aba subukan nyo kasama ang inyong mga barkada dahil maganda rin mag-motor doon dahil maayos ang kalsada at napaka super ganda ng tanawin!
Lagi lang tandaan na magsuot ng Helmet para safe!



30-40 minutes lang ang layo ng Sitio Mayagay sa Bayan ng Tanay, Rizal (Lagpas po ng Sampaloc)




Unang Tanawin ay ang Pranjetto Hills Hotel and Resort 
may koonting restaurant din sa harap ng Pranjetto Hills Hotel and Resort at alam nyo ba na 
dinarayo pa ito ng mga taga ibang lugar para pag ganapan ng Kasal, Reunion at Team Building.



Malamig at presko sa Sitio Mayagay kaya naman napa smooth ng byahe!



Next stop is Sierra Madre Hotel and Resort 

Napakaganda rin ng Sierra Madre Hotel and Resort ito ay nakatayo mas mataas sa Pranjetto kaya naman 
mas maganda ang tanawin dito.


Sa Entrance Fee na 50 pesos eh makakapasok ka sa garden ng resort kaya naman sulit din dahil maganda
at puro kalikasan ang makikita nyo.


may Golf course Zip line at iba pang fun activities ang pwedeng magawa nyo.
















Next stop ok.. I know pamilyar ito sa inyo ito ang flagship photo ng Balitang Hane!


Ganto ang klase ng transportasyon sa kabundukan ng Tanay, hmm.. mukang kulang pa ang pasahero ah hehehe


bye po ingat, hane!


May nadaan din kaming military detachment pag lampas sa Barangay San Andress at Cuyambay. 


dinarayo rin ito ng mga bikers at motor enthusiast from manila 
dahil sa sobrang ganda ng view at ng kalsada.



Sa sobrang taas ng lugar na ito kitang kita na ang mga building sa Metro Manila!


Kita narin dito ang buiding sa The Fort , Taguig!





Next stop is Garden Cottages Tanay Rizal
kilala naman itong lugar na ito dahil meron daw ilang artista na may bahay sa Garden Cottages Tanay



Kita narin ang Foremost Farms na located din sa Bayan ng Tanay. 
alam nyo ba na ang Foremost Farms ang punaka malaking babuyan sa S.E. Asia..







Ang kalsadang tinahak namin ay ang kalsadang nagduduktong sa Tanay, Rizal at Antipolo City 
madalas dito ang byaheng Sampaloc to Cogeo na Jeep.
Kung nais nyong magpunta sa mga lugar na napuntahan ng Balitang Hane wag matakot dahil 
Isang diretso lang ang tatahakin mo from Pranjetto hanggang Garden Cottages.
Napakasayang puntahan ang lugar na ito dahil sa sobrang tahimik at napaka aliwalas dito.
nakakalungkot lang dahil iilan pa lang ang mga taga tanay na nakakaalam ng mga lugar na ito.

After ma publish ito sana magtulungan tayo na ma share sa iba nating kaibigan ang Istoryang ito para 
naman matulungan natin mapalago ang  Local Tourism ng Bayan ng Tanay.

Ikaw naka punta kanaba dito? 



Recent News

Popular Posts