Blogger Widgets

February 2, 2011

Police Tanay sangkot sa Kidnapping!


Akalain nyo hindi lang sa Manila nagaganap ang mga kidnapping pati narin pala sa Probinsya ng Rizal!
Ayon sa remate.ph Nalambat ang dalawang aktibong miyembro ng Philippine National Police at ilan pang sibilyan sa operasyon ng Rizal Provincial PNP Command.
Nabuking ang mga ito sa isang checkpoint habang sakay ng van kasama ang  ang dinukot nilang  negosyante sa Bayan ng Pililla, Rizal.
Kinilalala ang mga nadakip na si P02 Archie Alvarado y Tabalan,35, na nakabase sa Rizal PNP Provincial Intelligence Unit at si P02 Noel Montemayor y Tamomo, 40 yrs old. ng Tanay PNP Police Station, Ricardo Oliveros y Lirio, 28, anyos ng Sitio Alas-Asin, Brgy. Daraitan, Tanay at Ivan Iposada y Santos, 30 anyos, tricycle driver, ng  #80 Lapu-Lapu St., Brgy. Kay-Buto, Tanay, Rizal.
Sugatan naman dahil sa palo ng baril sa ulo ang biktima na sina Henrick Sarmiento, 34 anyos, may asawa ng Brgy. San Jose, Morong Rizal at Perry Teodoro, 39 anyos, nakatira sa Brgy. Dalig, Cardona, Rizal.


Source/More information:

Recent News

Popular Posts