Blogger Widgets

July 7, 2011

Sitio Macantog sa Tanay, Tinulungan ng GMA-7 "Rescue"



Dahil sa kahirapan ng pamumuhay ng mga tao sa Sitio Macantog, Barangay Tandang Kutyo, Tanay, Rizal napansin at natulungan sila ng "Rescue" na isang programa sa GMA-7.
Hindi ordinaryong programa ang ginawa ng Rescue dahil ito ay isa sa kanilang Special 1st Anniversary Episode at first time ito ginawa nila.

Kasing Hirap ng pagpunta sa Sitio ang pamumuhay ng mga tao doon.
Ang inuming tubig nila na mula sa balon ay madalas magkaroon ng mga dumi na nakakaapekto sa pagkuha nila ng tubig, Hindi biro rin ang pagsasalok ng tubig nila sa mababatong daan at sa layo ng salukan tiyak na pagod ang mararamdaman mo pag hindi ka sanay.

Ang ilan din sa kanila ay kulang sa atensyong Medikal marami sa mga nakatira dito ay hindi alam na may mga sakit pala sila.
Madalas din ang mga namamatay na bata dahil sa ilang sakit sa sitio.

Malayo din ang nilalakad ng mga bata dito upang makapasok sa eskwelahan na pag tag-ulan ay basang-basa at pag tag-init naman ay basang-basa naman ng pawis.

Sa tulung ng GMA-7 "Rescue"sa pangunguna ng host nito na siArnold "Igan" Clavio personal nyang pinuntahan ang mga mamamayan nito at nag-abot ng tulong.

Nagdala sila ng mga Nurse at mga doctor na sumuri sa mga mamamayan at nagbigay din ng mga masusustansyang pagkain at sa pakikipag tulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Tanay ipinagawa ang salukan ng tubig sa Sitio at nangakong magpapatayo din ng poso sa lugar upang maibsan ang kakapusan ng tubig sa Sitio.

Nagpapasalamat ang Balitang Hane sa aksyong ginawa ng Rescue at naway pagpalain kayo ng Diyos!
Huwag din kalimutan panoorin ang rescue tuwing Huwebes pagkatapos ng Saksi sa GMA-7

News Article of Rescue about Sitio Macantog
http://www.gmanews.tv/story/225391/public-affairs/rescues-1st-anniversary-special-sitio-macantog-tanay-rizal
Panoorin ang Special Episode ng Rescue:
http://www.gmanews.tv/largevideo/publicaffairs/84011/rescue-1st-anniversary-special

Recent News

Popular Posts