Skip to main content

Tanayans who rock 2011!


Dahil sa kanilang layunin at dedikasyong makatulong sa ating Kalikasan nabigyang pansin sila ng International Media.



Noong 2011 Halos kumalat sa twitter at sa facebook ang news article na galing sa Reuters na nagpapakita ng mga batong pinagpatong-patong simula sa maliit  at  malalaking bato na animo’y nilagyan ng Glue, ito ang Rock Balancing.

Mula sa Wikipedia:
Rock balancing is an art, discipline, or hobby (depending upon the intent of the practitioner) in which rocks are balanced on top of one another in various positions.


Alam nyo ba na taga-Tanay ang nagpasikat at nagpasimula nito sa Pilipinas?
Kilalanin sina Ildefonso Vista at Leandro Inocencio, tubong Tanay na nagpasimula at nagpasikat ng Rock Balancing sa Buong Pilipinas.

Mula sa Reuters


RBP in GMA-7, Unang Hirit

Video Courtesy and Uploaded by: moshmoshification < follow him on Youtube,

RBP in Umagang Kay Ganda (ABS-CBN)

Uploaded by  


Nakatulong ang kanilang adhikain upang makilala muli ang Bayan ng Tanay sa buong Pilipinas at sa buong Mundo. Walang Duda na sina, Ildefonso Vista at Leandro Inocencio rocks, Tanay last 2011!
Para sa mga gustong matuto at makibahagi sa Rock Balancing Philippines, pumunta lang kayo sa kanilang 
Facebook Group Page:

RBP Youtube Channel: http://www.youtube.com/user/moshmoshification?blend=7&ob=0

Popular Posts

Tanay most hated Person: Dennis Garcia

Dalawang taon na ang nakakaraan ng kumalat ang istorya tungkol sa Psycho Killer/Rapist na si Dennis Garcia. Tumatak sa mga taga tanay ang pangalang Dennis Garcia at nagdulot ito ng takot sa bawat mamamayan. Ayon sa Rizal PNP si Dennis Garcia ang suspect sa pagpatay sa isang 19 year old na si Kennely Calisura na taga Sampaloc, Tanay Rizal.(2007) Ayon sa mga nagkalat na tsismis that time..gumagala daw sya pag gabi at kumakatok sa ilang bahay sa bayan at paghindi pinagbuksan eh papasukin nya ito ng pwersahan at papatayin ang mga nakatira dito. May mga Istorya din na pumapatay din daw ito ng mga bading,tomboy,lalaki at babae sa kalsada kaya naman nawala ang mga tambay sa kanto at bihira narin ang gumagala pag gabi ex Military daw ito kaya naman walang makatalo dito at black belter pa daw. Nagsalin salin ang kwento at nadagdagan ng mga nakakatakot na istorya na umiikot sa buong bayan isama pa ang nagkalat na poster nito sa bawat school at kalsada. Kaya naman sikat na sikat ang...

Kilalanin ang isa sa Haligi ng Sining Visual sa Tanay

Marahil ang ilan sa inyo ay nakakakilala kay Dionisio Pagalunan bilang isa sa matandang Pintor sa Bayan ng Tanay. ngunit alam nyo ba na, isa pala siya sa limang orihinal na founders ng Tanay Artist Group?  Kinabibilangan nila Mart Catolos, Nestor Villarosa, Tam Austria at Cris Agno at syempre si Mang Dionisio. Sila ang nagbigay ng pangalan at nagsimula ng Grupong Sining Visual sa Bayan ng Tanay, Base ito sa kwento at mga lumang larawan na pinakita nya sa amin. Litrato mula sa kanyang lumang Album. Isang Exhibit na kanilang dinaluhan noong taong 1980's Ngunit dahil sa tagal narin ng panahon dalawa sa limang kasama nila ay namayapa na at ang natitirang dalawa ay hindi na nakatira sa bayan ng Tanay, tanging si Mang Dionisio nalang ang nanatiling nakatira sa bayan ng Tanay. Si Dionisio Pagalunan ay Isa rin palang commercial model noong araw na lumabas sa ilang pahayagan at bukod dito ilang beses narin pala nalathala ang kanyang mga Obra. Kakaiba ang kanyang pagguhit ...

Jose Rizal o Andres Bonifacio ?

Isang Istatwa ng Ating pambansang bayani ang umagaw sa aking attensyon ng minsan mapadaan at makuhanan ko ng litrato ang Istatwa agad akong nagulat dahil hindi ko alam kung sinong pambansang bayani eto. Kasalukuyang nakatayo ang Istatwa sa harap ng Simeon R. Bendaña Sr. Memorial Elementary School (SRB-MES)  sa Bayan ng Tanay sa Rizal. Kung titingnan mabuti hindi nyo iisipin na si Bonifacio ito o si  Rizal man para kasing pinagsama si Rizal at si Bonifacio.  Matagal na ang naturang Istatwa ngunit hindi naman ito gaanong pansinin. Sa iyong palagay dapat bang panatilihin iyan o dapat palitan ng mas maayos na Istatwa?