Ang Calinawan Cave ay matatagpuan sa kabundukan ng Tanay,Rizal at ito ang isa sa pinagmamalaking likas na yaman ng Bayan ng Tanay. Nakilala ang Calinawan Cave dahil dito madalas ginaganap or pinag sho-shootingan ng mga sikat na pelikula at palabas sa telebisyon. Lingid sa kaalaman ng Iba...Balot ng Misteryo ang kwebang ito.
Iisa ang papasukan mong daan kung ikaw ay pupunta sa Calinawan Cave na patungo din sa Daranak Falls.
Lubak ang kalsadang papunta sa kweba pero bago ka makapunta sa kweba agad kang babatiin ng magandang tanawin na tunay na sa Tanay lang makikita.
Nagpunta ang BalitangHane sa Calinawan Cave.. pero kung kayo ay pupunta dito kailangan nyong magsabi muna kaya "Lola Tale" na nakatira sa tabi ng kalsada malapit sa kweba, dahil kailangan nyong magbigay alam sa kanila na gusto nyong pumasok dahil sila ang namamahala ng kweba.. pwede nyo rin silang rentahan as a Tour Guide para may matutunan din kayo tungkol sa kweba habang nasa loob nito.
Pumunta lang kayo sa may sari-sari store doon o kaya pumunta sa may sign na ito.
Marami ring ipinagbabawal gawin sa loob ng kweba.
Nakilala at nakausap ng BalitangHane si "Lola Tale" dito na daw sya lumaki at simula pa noon sila na ang nag-aalaga ng kweba. Camera Shy si Lola kaya wala po kaming picture nya.
Ito ang aming mga tanong na binato kay Lola Tale.
Saan po ba ang Dulo ng Kweba?
Sagot nya; Noong panahon daw ng Hapon inuutusan daw ang kanyang Tatay ng mga Sundalong Hapon para magbuhat ng mga gamot at mga gamit.
Sa kweba daw pinadadaan ng mga Hapon ang kanyang Tatay.
Mahaba at madilim daw ang kweba at base sa kwento ng kanyang Tatay sa MONTALBAN,RIZAL daw ang kanilang nilabasan.
Dagdag pa ni Lola sa sobrang tagal na daw nun malamang nasaraduhan na daw ang ibang lagusan nito ngayon.
Bakit po kailangan magtabi-tabi sa loob ng kweba?
Kasi dapat daw magbigay galang sa mga nakatira sa loob ng Kweba, dagdag pa ni Lola Tale, noong nakaraan lang eh may mga Criminology Student galing Marikina na pumasok sa kweba, naglalandian daw ang mga ito at sobrang ingay sa loob ng kweba at nagpi-picturan din..
Maya-maya daw eh naging tulala ang isa sa mga Estudyante at ang isa naman ay pagapang na umiiyak palabas ng kweba.
Napansin din daw ng mga Estudyante ang malaking mukha na nakasama nila sa picture sa loob ng Kweba.
Ito ang kuha ng BalitangHane sa loob ng kweba, animoy may malaking mukhang lumitaw sa may kanang bahagi ng bato |
Dati rin daw may mga Boy Scouts na nag camping malapit doon at nangahas pumasok sa Kweba ng walang paalam kay Lola Tale..
Dalawang Araw daw nawala ang mga Boy Scouts at animoy iniligaw daw sa loob or pinaglaruan at kung hindi padaw napansin nila Lola Tale ang aksidenteng pagdungaw ng isa sa mga Boy Scouts hindi pa daw nila malalaman na nandoon pala ang mga ito.
Dalawang araw nagpaikot-ikot ang mga Boy Scouts sa loob ng Kweba at nung ma rescue sila gutom na gutom at hinang-hina ang mga ito.
Ano po ang na experienced ng mga nagshooting sa kweba?
Meron daw pagkakataon na kahit malalim na ang gabi eh patuloy parin ang pag ta-taping ng isang pelikula sa loob ng Kweba, maayos at umaandar ang generator ng biglang may nagpatay nito na ikinagulat ng mga namamahala ng set, may pagkakataon din daw na nakakarining ng mga tugtugan ang mga nag ta-taping na animoy tugtog mula sa lumang panahon, may pagkakataon din daw na hindi gumagana ang kanilang mga camera sa set.
Pinayuhan ni Lola Tale na dapat iwasan pag ta-taping sa dis-oras ng gabi dahil nabubulahaw na daw masyado ang mga nakatira sa loob ng kweba.
Sinunod naman ito ng namamahala sa set at wala ng nangyaring kakaiba.
Meron din daw pagkakataon na merong isang Dayuhang Artista ang nagkaroon ng hindi maipaliwanag na sugat sa palad matapos mag taping sa kweba, malala at hindi magamot ang sugat na natamo ng artista, hanggang tinawagan nila si Lola Tale para alamin kung ano ba ang nangyari sa kanilang Artista.
Pinayuhan ni Lola Tale na pabalikin ang Artista at humingi ng paumanhin at magpatawas para malaman kung anong sanhi ng sugat.
At doon nga nalaman na nakasakit pala ang artista dahil may natuunan daw syang maliit na nilalang na nakatira sa kweba, pagkatapos daw magpatawas unti-unti na daw gumaling ang sugat.
Kwento to rin ni Lola Tale, may gumagalang Capre daw sa loob ng kweba na mula sa Daranak Falls.
Dalawa ang butas papasok sa kweba. una sa may tabi kalsada, pangalawa sa may baba at kaliwang bahagi ng kalsada.
Unang pasukan sa Kweba sa may tabi ng kalsada. |
Pangalawang pasukan sa kweba. |