Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Jose Rizal Monument

Dalawang Sundalo sangkot sa banggaan sa Tanay

March 14, 2011, 5:30 ng hapon- Dalawang miyembro ng Philippine Army at dalawang sibilyan ang sugatan matapos magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Sampaloc Road, Sitio Balimbing, Plaza Aldea, Tanay, Rizal. Kinilala ng mga otoridad ang mga biktima na sina: Walter De Guzman at Elizabeth Peralta na taga Sampaloc, Manila at sina PFC. Harvy Flores Anoy, PFC Benedict Gaspar na nakatalaga sa Camp Capinpin sa bayan ng Tanay. sakay ang dalawang sundalo sa isang Suzuki Raider(WM-5307) at sakay naman sa Honda XR 200(UK-6883) sina De Guzman at Peralta na parehas tinatahak ang sampaloc Road sa magkasalungat na lanes. Ayon sa mga nakakita bigla daw sinakop ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang sundalo ang kabilang lane ng kalsada dahilan para masalpok ang inasakyang motorsiklo nina De Guzman at Peralta. Agad isinugod sa Tanay General Hospital ang mga biktima bago inilipat sa V. Luna Hospital sa Quezon City. source http://www.pinoyparazzi.com/2-sundalo-2-pa-sugatan-sa-banggaan-ng-motorsiklo...

Jose Rizal o Andres Bonifacio ?

Isang Istatwa ng Ating pambansang bayani ang umagaw sa aking attensyon ng minsan mapadaan at makuhanan ko ng litrato ang Istatwa agad akong nagulat dahil hindi ko alam kung sinong pambansang bayani eto. Kasalukuyang nakatayo ang Istatwa sa harap ng Simeon R. Bendaña Sr. Memorial Elementary School (SRB-MES)  sa Bayan ng Tanay sa Rizal. Kung titingnan mabuti hindi nyo iisipin na si Bonifacio ito o si  Rizal man para kasing pinagsama si Rizal at si Bonifacio.  Matagal na ang naturang Istatwa ngunit hindi naman ito gaanong pansinin. Sa iyong palagay dapat bang panatilihin iyan o dapat palitan ng mas maayos na Istatwa?