Hindi na lingid sa kaalaman nyo ang ibat-ibang klase ng marriage proposal, ngunit sa kauna-unahang pagkakataon isang Taga-Tanay ang nag-renta pa ng Helicopter upang makapag- propose ng Kasal!
Naitala sa kasaysayan ng Tanay ang di pang-karaniwang marriage proposal na naisakatuparan ni
Ram Ninonuevo na taga Brgy. Tabing-Ilog sa Bayan ng Tanay, Rizal.
Para sa kaalaman ng lahat, si Ram Ninonuevo ay kasal na kay Pearl Demaisip-Ninonuevo noong Jan 10, 2007 na naganap sa Philippine Embassy sa Doha, Qatar. Ayon kay Ram, di na nya nagawang makapagpropose sa unang pagkakataon nung sila'y ikasal, kaya sa pagkakataong sila'y magbakasyon sa Tanay noong December 2011, minabuti ni Ram samantalahin ang pagkakataon na sorpresahin ang kanyang asawa na si Pearl sa di ordinaryong paraan prior sa kanilang nalalapit na church wedding.
Noong December 22, 2011 naganap ang ma-drama at exciting na marriage proposal ni Ram.
Paano nga ba na plano ang lahat? Eto ang sagot ni Ram:
Ram: Kasalukuyang nasa JE camp kami ng buong tropa at sa kalagitnaan ng aming kasiyahan ay binanggit ko ang aking plano sa kanila. Lahat ay nagbigay ng suggestions at sa tulong ni kuya Jack Dionisio, since pareho kaming nasa Aviation Industry minungkahi niya na "air proposal" ang gagawin namin at ito napagkasunduan na sa dike ng Tanay gawin.
[Si Jack Dionisio po ay isang Helicopter Pilot na taga-tanay din]
Teka , may naging Problema kaya during ng Proposal nya?
Ram: Wala naman kaso yung unang bagsak ng "marry me" banner medyo sumabit pero naging ok naman salamat sa Tropang kabute warriors(Long time friends ni Ram)
Pinili nalang ni Ram huwag ipaalam ang nagastos nya sa proposal nya , samantala nakatakdang ikasal sila sa simbahan sa Dec 12. 2012.
Panoorin ang video ng Pangyayari:
Video and Photo courtesy of Bong Tingson (Taga tanay din po yan)