Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Police Station ng Tanay

Dalawang Sundalo sangkot sa banggaan sa Tanay

March 14, 2011, 5:30 ng hapon- Dalawang miyembro ng Philippine Army at dalawang sibilyan ang sugatan matapos magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Sampaloc Road, Sitio Balimbing, Plaza Aldea, Tanay, Rizal. Kinilala ng mga otoridad ang mga biktima na sina: Walter De Guzman at Elizabeth Peralta na taga Sampaloc, Manila at sina PFC. Harvy Flores Anoy, PFC Benedict Gaspar na nakatalaga sa Camp Capinpin sa bayan ng Tanay. sakay ang dalawang sundalo sa isang Suzuki Raider(WM-5307) at sakay naman sa Honda XR 200(UK-6883) sina De Guzman at Peralta na parehas tinatahak ang sampaloc Road sa magkasalungat na lanes. Ayon sa mga nakakita bigla daw sinakop ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang sundalo ang kabilang lane ng kalsada dahilan para masalpok ang inasakyang motorsiklo nina De Guzman at Peralta. Agad isinugod sa Tanay General Hospital ang mga biktima bago inilipat sa V. Luna Hospital sa Quezon City. source http://www.pinoyparazzi.com/2-sundalo-2-pa-sugatan-sa-banggaan-ng-motorsiklo...

Tanay most hated Person: Dennis Garcia

Dalawang taon na ang nakakaraan ng kumalat ang istorya tungkol sa Psycho Killer/Rapist na si Dennis Garcia. Tumatak sa mga taga tanay ang pangalang Dennis Garcia at nagdulot ito ng takot sa bawat mamamayan. Ayon sa Rizal PNP si Dennis Garcia ang suspect sa pagpatay sa isang 19 year old na si Kennely Calisura na taga Sampaloc, Tanay Rizal.(2007) Ayon sa mga nagkalat na tsismis that time..gumagala daw sya pag gabi at kumakatok sa ilang bahay sa bayan at paghindi pinagbuksan eh papasukin nya ito ng pwersahan at papatayin ang mga nakatira dito. May mga Istorya din na pumapatay din daw ito ng mga bading,tomboy,lalaki at babae sa kalsada kaya naman nawala ang mga tambay sa kanto at bihira narin ang gumagala pag gabi ex Military daw ito kaya naman walang makatalo dito at black belter pa daw. Nagsalin salin ang kwento at nadagdagan ng mga nakakatakot na istorya na umiikot sa buong bayan isama pa ang nagkalat na poster nito sa bawat school at kalsada. Kaya naman sikat na sikat ang...

TNHS Holdaper huli sa Tanay

Naku po ninong ko bakit kaya dumadami ang mga loko sa bayan ng tanay? Kamakailan lang Peprero 18, 2011 around 7 pm. dalawang estudyante ng Tanay National High School (Victoria Turbila at Rishilla Terora kapwa 14 years old ) na naglalakad pauwi ang walang awang hinoldap ng dalawang holdaper. Ayon sa report: Hinarang umano ng mga suspek at agad tinutukan ng patalim ang mga biktima at nagdeklara ng holdap at agad din kinuha ng mga lokong suspek ang mga cellphone ng mga kawawang estudyante at saka umalis palayo sa mga biktima. Pagkatapos ng pangyayari agad nagpunta sa Police Station ng Tanay ang mga biktima para magsumbong. Hanga ang Balitang Hane sa Pulis Tanay dahil ilang oras palang ang nakakalipas ay nasakote na ang mga lokong suspek. Kinilala ang suspek na sina Michael Silahis at isang 17 anyos na lokong binatilyo na parehas taga Barangay Plaza Aldea, Tanay, Rizal. Loko talaga tong mga holdaper na ito hane? eh nag hahapit na nga ang mga estudyante kaya naglal...