Skip to main content

Posts

Showing posts with the label camp capinpin

Sundalo sugatan matapos ang bakbakan laban sa NPA

April 5, 2011- Isang sundalo ng  1st Infantry Battalion ang sugatan matapos ang naganap na bakbakan sa ilang rebeldeng kumunista sa Bgy. Bagong Silang, Real, Quezon. Ayon kay Col. Generoso Bolina nagtamo ng sugat mula sa bala ang balikat ni Pfc. Ricardo Gabia na agad isinugod sa  military hospital sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal. Ayon din sa kanya ang mga sundalo ay nasa isang combat patrol sa isang baryo dahil sa mga ilang ulat ng pangingikil sa lugar ng makasagupa nila ang mga rebelde. agad umatras ang sampung rebeldeng NPA matapos ang sampung minutong barilan. source

Dalawang Sundalo sangkot sa banggaan sa Tanay

March 14, 2011, 5:30 ng hapon- Dalawang miyembro ng Philippine Army at dalawang sibilyan ang sugatan matapos magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Sampaloc Road, Sitio Balimbing, Plaza Aldea, Tanay, Rizal. Kinilala ng mga otoridad ang mga biktima na sina: Walter De Guzman at Elizabeth Peralta na taga Sampaloc, Manila at sina PFC. Harvy Flores Anoy, PFC Benedict Gaspar na nakatalaga sa Camp Capinpin sa bayan ng Tanay. sakay ang dalawang sundalo sa isang Suzuki Raider(WM-5307) at sakay naman sa Honda XR 200(UK-6883) sina De Guzman at Peralta na parehas tinatahak ang sampaloc Road sa magkasalungat na lanes. Ayon sa mga nakakita bigla daw sinakop ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang sundalo ang kabilang lane ng kalsada dahilan para masalpok ang inasakyang motorsiklo nina De Guzman at Peralta. Agad isinugod sa Tanay General Hospital ang mga biktima bago inilipat sa V. Luna Hospital sa Quezon City. source http://www.pinoyparazzi.com/2-sundalo-2-pa-sugatan-sa-banggaan-ng-motorsiklo...