Skip to main content

Posts

Showing posts from 2011

Tanay's Yellow Lady!

Nakaukit na sa Kasaysayan ng Pilipinas ang dilaw bilang isang kulay ng Kalayaan dahil ito ang isa ring signature color ni Dating Pangulong Cory Aquino, ngunit alam nyo ba na merong taga-tanay na ang hilig eh mga dilaw na bagay? Kilalanin si Tweetie H. Ramos Pagalunan a.k.a. "Thess"!

Kilalanin ang isa sa Haligi ng Sining Visual sa Tanay

Marahil ang ilan sa inyo ay nakakakilala kay Dionisio Pagalunan bilang isa sa matandang Pintor sa Bayan ng Tanay. ngunit alam nyo ba na, isa pala siya sa limang orihinal na founders ng Tanay Artist Group?  Kinabibilangan nila Mart Catolos, Nestor Villarosa, Tam Austria at Cris Agno at syempre si Mang Dionisio. Sila ang nagbigay ng pangalan at nagsimula ng Grupong Sining Visual sa Bayan ng Tanay, Base ito sa kwento at mga lumang larawan na pinakita nya sa amin. Litrato mula sa kanyang lumang Album. Isang Exhibit na kanilang dinaluhan noong taong 1980's Ngunit dahil sa tagal narin ng panahon dalawa sa limang kasama nila ay namayapa na at ang natitirang dalawa ay hindi na nakatira sa bayan ng Tanay, tanging si Mang Dionisio nalang ang nanatiling nakatira sa bayan ng Tanay. Si Dionisio Pagalunan ay Isa rin palang commercial model noong araw na lumabas sa ilang pahayagan at bukod dito ilang beses narin pala nalathala ang kanyang mga Obra. Kakaiba ang kanyang pagguhit dahil

Hane Food Trip:Boyan's Mini Resto

Patuloy na umiikot ang BalitangHane sa paghahanap ng pinakamura at pinakasulit na kainan sa Bayan ng Tanay.Nitong nakaraang Sabado napadpad kami sa Boyan's Mini Resto sa Sampaloc Road, Tanay, Rizal malapit sa Tanay National High School. Good Side: Pagpasok palang ng Grupo namin sa kanilang kainan after namin pumuli ng ulam, agad kaming inasikaso naglagay sila ng tissue paper ( na wala sa ibang kainan) at Bote ng Tubig at baso. Maayos at malinis ang kanilang kainan at napakamura ng mga pagkain. Nag order kami ng Binahog at bangkakasarap talaga lalo na ang sabaw. P20 lang ang order ng Binahog kaya naman walang masama kung mag order ka pa ng extra-rice! Maginhawa din sa resto nila dahil may bintilador. ____ Down Side: Medyo mahirap hanapin ang pwesto nila lalo na pag may mga nakaparadang tricycle sa harap nila, kaya pag kayo ay pupunta dito talasan nyo ang mata nyo. ____ Mura at sulit kumain sa Boyan's Mini Resto kaya naman rekomendado ko kumain dito lalo

Ang misteryo sa Calinawan Cave

Ang Calinawan Cave ay matatagpuan sa kabundukan ng Tanay,Rizal at ito ang isa sa pinagmamalaking likas na yaman ng Bayan ng Tanay.  Nakilala ang Calinawan Cave dahil dito madalas ginaganap or pinag sho-shootingan ng mga sikat na pelikula at palabas sa telebisyon. Lingid sa kaalaman ng Iba...Balot ng Misteryo ang kwebang ito. Iisa ang papasukan mong daan kung ikaw ay pupunta sa Calinawan Cave na patungo din sa Daranak Falls. Lubak ang kalsadang papunta sa kweba pero bago ka makapunta sa kweba agad kang babatiin ng magandang tanawin na tunay na sa Tanay lang makikita. Nagpunta ang BalitangHane sa Calinawan Cave.. pero kung kayo ay pupunta dito kailangan nyong magsabi muna kaya "Lola Tale" na nakatira sa tabi ng kalsada malapit sa kweba, dahil kailangan nyong magbigay alam sa kanila na gusto nyong pumasok dahil sila ang namamahala ng kweba.. pwede nyo rin silang rentahan as a Tour Guide para may matutunan din kayo tungkol sa kweba habang nasa loob nito. Pumunta lang k