Nakaukit na sa Kasaysayan ng Pilipinas ang dilaw bilang isang kulay ng Kalayaan dahil ito ang isa ring signature color ni Dating Pangulong Cory Aquino, ngunit alam nyo ba na merong taga-tanay na ang hilig eh mga dilaw na bagay? Kilalanin si Tweetie H. Ramos Pagalunan a.k.a. "Thess"!
Taga saan ba si Thess? eto ang kanyang sagot nya:
"Im from Barangay WAWA TANAY RIZAL....but native born from Concepcion Tarlac....means im kapampangan"
Kasalukuyan siyang nagtratrabaho sa Hongkong simula pa noong 1992, madalas umuuwi rin sya sa Bayan ng Tanay, Hane para makapiling ang kanyang pamilya.
Napansin ng BalitangHane si Tweetie dahil sa sobra nyang pagka-hilig sa kulay na dilaw. Ayon kay Tweetie simula pa eh paboritong kulay na nya ang dilaw at nag start lang siyang mangolekta ng mga kulay dilaw na bagay apat na taon na ang nakalipas.
Hindi ko naiwasan itanong kung bukod sa yellow eh ano pa ang gusto nyang kulay?
ito ang kanyang sagot:
"before i lab all the shocking colors........specially rainbowcolors......but cannot wear anymore those colors...im totally exclusively wearing YELLOW only....as....in...........all Yellow...head to foot"
Ayon kay Tweetie, nakuha nya ang idea na mag collect ng yellow items sa Facebook. addik daw siya sa picture taking at posing-posing at naisip din nya na kunan ng litrato ang mga bagay na kulay dilaw at i-post sa Facebook at simula daw noon eh nakahiligan na nya eto hanggang dumami na nga at napansin din ng kanyang mga kaibigan, kaya dun narin dumagsa ang mga regalong kulay dilaw mula sa kanyang mga kaibigan. At Ibang-iba daw talaga ang kanyang pakiramdam tuwing nakasuot sya ng Dilaw.
At sa dami ng kanyan collection eh hindi ko rin naiwasang itanong, kung magkano na nga ba ang nagastos nya sa kanyang collection? ito ang kanyang sagot:
"all my collection are not that expensive.....kung may mahal man.....means ay gifts yun ...hihihihihihi honestly speaking may pag ka kuripot ako and wisely spending hihihihihihi..yung mga tweetybirds medyo may kamahalan ....but collecting YELLOW .....is just i cant stop and wishing more and more...................OMG....im crazy and obsessed na talaga...but totally HAPPY about it."
Eh ano naman kaya ang masasabi ng kanyang pamiya at kaibigan sa kanyang hilig? eto ang sagot nya:
"well honestly to say......wala naman KJ sa family and friends ko.......lalo na hubby ko and my son ...lalo na manugang ko....kasi alam nilang masaya ako sa mga collection ko......as a matter of fact...even our house ay YELLOW too........hihihihihi but a bit ligth yellow kasi lalake ang anak ko.....sa kanila kasi yun in the future ...in short they all happy with me.................................. with my kaek ekan MODE pati na mga bossing ko dito sa work ko ok lang din ....happy din sila to me......and kilala na ako sa ibang mga shop dito sa hk and lalo na sa Worldwide Plaza....and im happy to share too na madami din nag papa picture sa akin kc natutuwa sila for my outfit.......kahit mga foreinger too.....YOU name IT.....hihihihi."
Kakaiba talaga si Tweetie, dahil sa kabila ng hamon ng Buhay eh humaharap parin syang nakangiti at may positibong pananaw sa Buhay.