Marahil ang ilan sa inyo ay nakakakilala kay Dionisio Pagalunan bilang isa sa matandang Pintor sa Bayan ng Tanay. ngunit alam nyo ba na, isa pala siya sa limang orihinal na founders ng Tanay Artist Group?
Kinabibilangan nila Mart Catolos, Nestor Villarosa, Tam Austria at Cris Agno at syempre si Mang Dionisio. Sila ang nagbigay ng pangalan at nagsimula ng Grupong Sining Visual sa Bayan ng Tanay, Base ito sa kwento at mga lumang larawan na pinakita nya sa amin.
Litrato mula sa kanyang lumang Album. |
Isang Exhibit na kanilang dinaluhan noong taong 1980's |
Ngunit dahil sa tagal narin ng panahon dalawa sa limang kasama nila ay namayapa na at ang natitirang dalawa ay hindi na nakatira sa bayan ng Tanay, tanging si Mang Dionisio nalang ang nanatiling nakatira sa bayan ng Tanay.
Si Dionisio Pagalunan ay Isa rin palang commercial model noong araw na lumabas sa ilang pahayagan at bukod dito ilang beses narin pala nalathala ang kanyang mga Obra.
Kakaiba ang kanyang pagguhit dahil pati ang ilang kwento mula sa Biblia ay nagawan nya ng Obra.
Bukod dito napansin din namin na halos lahat ng kanyang obra ay puro magagandang tanawin na sa Tanay mulang makikita.
May kakaibang Obra din si Mang Dionisio na may kinalaman sa mga lumang lugar sa Bayan ng Tanay na binase nya sa kwento ng matatanda noong araw at base narin sa ilang aklat na may kinalaman sa bayan ng Tanay.
Lumang "Sala" sa Brgy. Wawa |
Hitsura ng Sinaunang Tulay ng Tanay sa Brgy. Plaza Aldea |
Ito ang isa sa kanyang Obra na featured sa Tanay 400 years, Celebration Calendar.
Makikita dito ang Tanay Catholic Church na ginagawa palang.
Tanay 300 YEARS Book at ang Obra ni Mang Dioni. |
Ayon kay Mang Dioni, Bago nya iguhit ito nagtanong-tanong muna sya sa matatanda noong araw at kinuha rin nya ang detalye kung paano isinagawa ang paggawa ng simbahan sa Tanay Tercentenary na aklat.
Si Mang Dioni kasama ang kanyang ilang Obra. |
Samantala inamin ni Mang Dioni sa Balitang Hane na nalulungkot din sya dahil ang karamihan ay na-aalala nalang siya bilang matandang pintor sa Tanay, hindi bilang isa sa nagtatag ng Tanay Artist Group.
Mangyari na kaya ang hiling ni Mang Dioni?
Para po sa mga gustong tumingin sa Obra ni Mang Dioni o nais bumili o magpagawa, maari po syang puntahan sa kanyang tahanan sa may kalsadang Paakyat Tanay Ville.
Tahanan ni Mang Dioni. |
kalsada paakyat ng Tanay Ville. |