Dalawang taon na ang nakakaraan ng kumalat ang istorya tungkol sa Psycho Killer/Rapist na si Dennis Garcia. Tumatak sa mga taga tanay ang pangalang Dennis Garcia at nagdulot ito ng takot sa bawat mamamayan. Ayon sa Rizal PNP si Dennis Garcia ang suspect sa pagpatay sa isang 19 year old na si Kennely Calisura na taga Sampaloc, Tanay Rizal.(2007) Ayon sa mga nagkalat na tsismis that time..gumagala daw sya pag gabi at kumakatok sa ilang bahay sa bayan at paghindi pinagbuksan eh papasukin nya ito ng pwersahan at papatayin ang mga nakatira dito. May mga Istorya din na pumapatay din daw ito ng mga bading,tomboy,lalaki at babae sa kalsada kaya naman nawala ang mga tambay sa kanto at bihira narin ang gumagala pag gabi ex Military daw ito kaya naman walang makatalo dito at black belter pa daw. Nagsalin salin ang kwento at nadagdagan ng mga nakakatakot na istorya na umiikot sa buong bayan isama pa ang nagkalat na poster nito sa bawat school at kalsada. Kaya naman sikat na sikat ang...
Balitang Hane -Balitang Tanay na dapat malaman nyo na mula sa mapagkakatiwalaang sources sa Internet. Ang kauna-unahang Balitaang Pambayan ng Tanay, Rizal online!





