Blogger Widgets

October 31, 2011

Hane Food Trip:Boyan's Mini Resto




Patuloy na umiikot ang BalitangHane sa paghahanap ng pinakamura at pinakasulit na kainan sa Bayan ng Tanay.Nitong nakaraang Sabado napadpad kami sa Boyan's Mini Resto sa Sampaloc Road, Tanay, Rizal malapit sa Tanay National High School.

Good Side:

Pagpasok palang ng Grupo namin sa kanilang kainan after namin pumuli ng ulam, agad kaming inasikaso naglagay sila ng tissue paper ( na wala sa ibang kainan) at Bote ng Tubig at baso.
Maayos at malinis ang kanilang kainan at napakamura ng mga pagkain.
Nag order kami ng Binahog at bangkakasarap talaga lalo na ang sabaw.
P20 lang ang order ng Binahog kaya naman walang masama kung mag order ka pa ng extra-rice!
Maginhawa din sa resto nila dahil may bintilador.






____

Down Side:

Medyo mahirap hanapin ang pwesto nila lalo na pag may mga nakaparadang tricycle sa harap nila, kaya pag kayo ay pupunta dito talasan nyo ang mata nyo.
____

Mura at sulit kumain sa Boyan's Mini Resto kaya naman rekomendado ko kumain dito lalo na ang mga estudyane at sa mga nag-da-date.

Note: Hindi po kami nagpakilala sa kanila na kami ay Mula sa BalitangHane, wala po kaming kamag-anak o kaibigan sa pamunuan ng Boyan's Mini Resto.

Recent News

Popular Posts