Blogger Widgets

May 11, 2011

Babae natagpuang patay sa loob ng Motel sa Sitio Bukal, Tanay, Rizal

Isang 23 na anyos na babae ang natagpuang hubad at wala ng buhay sa loob ng Singapore Lodge sa Sitio Bukal, Barangay Tandang Kutyo, Tanay,Rizal Kahapon ng 3 a.m.
Kinilala ang biktima na si Grace dela Cruz na nakatira sa Manila East Road, Barangay Plaza Aldea sa bayan din ng Tanay.
Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng Tanay police, nag checked-in ang babae kasama ang Tatlong lalaki na omokupa sa isang kwarto.
Nalaman ang krimen matapos kumatok ang tauhan ng Lodge na si Alma del Barrio sa pinto ng mga nag checked-in. matapos ang ilang pagkatok ni Alma walang sumasagot kaya agad binuksan ang pinto gamit ang duplicate na susi.
Nagulat si Alma ng makita nya ang hubad na katawan at wala ng buhay ng isang babae at napansin din nya na wala na ang tatlong lalake na kasama nito.
Ayon sa Tanay Police merong posibilidad na Gang Rape ang babae bago ito pinatay.
Inimbitahan ng Tanay Police ang mga tauhan ng motel para makilala ang tatlong lalake na kasama ng babae para mabigyang katarungan ang kamatayan ni Grace.

Source: Journal.com.ph
http://www.journal.com.ph/index.php/news/metro/4938-woman-found-dead-naked-in-motel

Recent News

Popular Posts