Blogger Widgets

April 11, 2011

Sundalo sugatan matapos ang bakbakan laban sa NPA

April 5, 2011- Isang sundalo ng  1st Infantry Battalion ang sugatan matapos ang naganap na bakbakan sa ilang rebeldeng kumunista sa Bgy. Bagong Silang, Real, Quezon.
Ayon kay Col. Generoso Bolina nagtamo ng sugat mula sa bala ang balikat ni Pfc. Ricardo Gabia na agad isinugod sa  military hospital sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal.
Ayon din sa kanya ang mga sundalo ay nasa isang combat patrol sa isang baryo dahil sa mga ilang ulat ng pangingikil sa lugar ng makasagupa nila ang mga rebelde.
agad umatras ang sampung rebeldeng NPA matapos ang sampung minutong barilan.

source

Recent News

Popular Posts