Blogger Widgets

March 27, 2011

Dalawang Sundalo sangkot sa banggaan sa Tanay

March 14, 2011, 5:30 ng hapon- Dalawang miyembro ng Philippine Army at dalawang sibilyan ang sugatan matapos magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Sampaloc Road, Sitio Balimbing, Plaza Aldea, Tanay, Rizal.
Kinilala ng mga otoridad ang mga biktima na sina: Walter De Guzman at Elizabeth Peralta na taga Sampaloc, Manila
at sina PFC. Harvy Flores Anoy, PFC Benedict Gaspar na nakatalaga sa Camp Capinpin sa bayan ng Tanay.
sakay ang dalawang sundalo sa isang Suzuki Raider(WM-5307) at sakay naman sa Honda XR 200(UK-6883) sina De Guzman at Peralta na parehas tinatahak ang sampaloc Road sa magkasalungat na lanes.
Ayon sa mga nakakita bigla daw sinakop ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang sundalo ang kabilang lane ng kalsada dahilan para masalpok ang inasakyang motorsiklo nina De Guzman at Peralta.
Agad isinugod sa Tanay General Hospital ang mga biktima bago inilipat sa V. Luna Hospital sa Quezon City.

source http://www.pinoyparazzi.com/2-sundalo-2-pa-sugatan-sa-banggaan-ng-motorsiklo/

Recent News

Popular Posts