Blogger Widgets

January 12, 2011

Lolo Pinatay ang kanyang Apo sa Tanay, Rizal

Isang 21 year old na binatilyo ang di umanoy pinatay ng kanyang lolo sa Barangay Cayabu, Tanay, Rizal.
Ayon sa lokal na Pulis ng Tanay ang biktima na si Ric Ashley Dunghit ay naglalakad kasama ang kanyang pinsan sa ganap na 1:45 am. sa Barangay Cayabu ng makasalubong nila ang kanyang nakainom na lolo.
Nagmano ang biktima sa kanyang lolo bilang paggalang ngunit hindi ito nagustuhan ng kanyang lolo agad bumunot ng panaksak ang lolo niya at sinaksak ang biktima sa Tiyan. Ang lolo na suspect sa krimen ay kinilala bilang si Mariano Dunghit.
Ayon sa information nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag lolo isang araw bago maganap ang krimen.


Recent News

Popular Posts