Skip to main content

Posts

Tanay binayo ng dami ng ulan ni Pedring-PAGASA

Dike, Brgy.San Isidro - BH don't used without permission  Ayon sa data ng PAGASA ang bagyong Pedring ay may lakas na hangin na umabot sa 130 Kilometro kada-oras. Ang Bayan ng Tanay ang nakatangap ng pinakamaraming dami ng ulan mula kay Bagyong Pedring. Tanay, Rizal 148.2 mm Virac, catanduanes 136.4 mm Quezon City 121 mm San Jose, Mindoro 97.6 mm Sangley Point Cavite 83.4 mm Port Area, Manila 82.8 mm NAIA 75.4 mm BH don't used without permission Gayon paman nakapaghanda ang LGU ng Tanay pati ang mga mamamayan nito na nakatira sa malapit sa Tanay River. Halos mapuno naman ang ilang water ways at sapa ngunit hindi umapaw ang Ilog ng Tanay. Rodriguez St.,Tanay, Rizal (BH don't used without permission) Souce: http://newsinfo.inquirer.net/66217/expect-stormy-weather-in-next-2-days%E2%80%94weather-bureau

Motor sumalpok, Binatilyo Patay!

September 5, 2011, Cardona Rizal - Isang taga-Tanay ang namatay at 3 ang lubhang sugatan sa isang aksidente na naganap sa Sitio Balso,Brgy.Calahan,Cardona Rizal. Sumalpok sa steel railings sa gilid ng kalsada ang sinasakyang motor ng mga biktima. Isinugod sa Queen Mary of Help Hospital si Gerald Rebong 17 years old ng Bonifacio Ext.Brgy.Tandang Kutyo,Tanay Rizal na nagtamo ng malalang sugat sa ulo at katawan na namatay habang ginagamot sa hospital. Kritikal naman sina Jay Delos Santos,19 at Jess Berana na parehas taga Tanay at Raymond Lozano,19 ng Pililla, Rizal na isinugod naman sa Morong General Hospital. Ayon kay P01 Valeriano Mallo,Nangyari ang aksidente around 5:30 ng umaga. Ang motorsiklo daw ay minamaneho ni Jaymart Ilagan,22 years old tricycle driver ng Brgy.Pinagkamaligan,Tanay,Rizal Ang mga bikitima daw ay nakainom. “Mga nakainom kasi silang lahat at sama-samang magkaangkas sa isang motorsiklo at dahil sa nakainom ay nagpagewang-gewang ang motor at sumalpok sa bak...

Ex.Sundalong taga Tanay, nakitang buto na!

Matapos mawala ng Isang taong mahigit, nahukay ang bangkay ng Ex-Corporal na si Cpl. Ferdinand Valencia na nakatira sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Si Ex.Cpl.Valencia ay dinukot ng mga myembro ng NPA na pinangunahan ni Jesus Abetria a.k.a. Ka Puti, noong May 17, 2010, Habang naghahapunan kasama ang kanyang pamilya sa Real,Quezon at simula noon ay hindi na siya nakita ng kanyang pamilya. Sa tulong ng dating myembro ng New People’s Army na sumuko sa gobyerno noong July 28, At sa pakikipagtulungan ng 16th, 1st and 76th Infantry Battalions ng Army’s 202nd Infantry Brigade and 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division. nahukay ang katawan ni Ex.Cpl.Valencia sa Brgy.Cueva,Sta Maria,Laguna. Ayon sa dating NPA, pagkatapos dinukot si Ex.Cpl.Valencia ay hinatulan sa Kangaroo Court ng NPA at agad pinatay.Ayon din sa dating NPA ang huling salita na nasabi ni Ex.Cpl.Valencia ay “Ibalik n’yo po ang bangkay ko sa pamilya ko,” bago saksakin sa Dibdib. Noong August 4 sana ang nakatakdang...

Sitio Macantog sa Tanay, Tinulungan ng GMA-7 "Rescue"

Dahil sa kahirapan ng pamumuhay ng mga tao sa Sitio Macantog, Barangay Tandang Kutyo, Tanay, Rizal napansin at natulungan sila ng "Rescue" na isang programa sa GMA-7. Hindi ordinaryong programa ang ginawa ng Rescue dahil ito ay isa sa kanilang Special 1st Anniversary Episode at first time ito ginawa nila. Kasing Hirap ng pagpunta sa Sitio ang pamumuhay ng mga tao doon. Ang inuming tubig nila na mula sa balon ay madalas magkaroon ng mga dumi na nakakaapekto sa pagkuha nila ng tubig, Hindi biro rin ang pagsasalok ng tubig nila sa mababatong daan at sa layo ng salukan tiyak na pagod ang mararamdaman mo pag hindi ka sanay. Ang ilan din sa kanila ay kulang sa atensyong Medikal marami sa mga nakatira dito ay hindi alam na may mga sakit pala sila. Madalas din ang mga namamatay na bata dahil sa ilang sakit sa sitio. Malayo din ang nilalakad ng mga bata dito upang makapasok sa eskwelahan na pag tag-ulan ay basang-basa at pag tag-init naman ay basang-basa naman ng pawis. S...

Tanay pinalakas ang kakayahan sa Oras ng kalamidad

Tanay Plaza Ang Trahedya na naranasan ng Bayan ng Tanay sa Bagyong Ondoy noong 2009 ay nagbigay aral sa mga Opisyal ng Munisipyo at Pulis ng Bayan ng Tanay na palakasin ang kakayahan ng Tanay sa oras ng Kalamidad. Nag provide ang Mayor ng Tanay na si Mayor "Lito" Tanjuatco ng mga rubber boats, radio communication, patrol bikes at iba pang gamit pang rescue nagagamitin ng Disaster risk reduction management team na binubuo ng mga Sibilyan at Pulis. Ayon kay Tanay Chief Inspector at Chief of pulis, Rizaldy Aquino ang mga pulis na kasama sa team ay na trained para rumesponde sa worst case scenario katulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy sa Bayan ng Tanay. source: http://www.mb.com.ph/articles/321805/ifugao-promotes-serving-irice