Skip to main content

Ex.Sundalong taga Tanay, nakitang buto na!

Matapos mawala ng Isang taong mahigit, nahukay ang bangkay ng Ex-Corporal na si Cpl. Ferdinand Valencia na nakatira sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal.

Si Ex.Cpl.Valencia ay dinukot ng mga myembro ng NPA na pinangunahan ni Jesus Abetria a.k.a. Ka Puti, noong May 17, 2010, Habang naghahapunan kasama ang kanyang pamilya sa Real,Quezon at simula noon ay hindi na siya nakita ng kanyang pamilya.

Sa tulong ng dating myembro ng New People’s Army na sumuko sa gobyerno noong July 28, At sa pakikipagtulungan ng 16th, 1st and 76th Infantry Battalions ng Army’s 202nd Infantry Brigade and 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division. nahukay ang katawan ni Ex.Cpl.Valencia sa Brgy.Cueva,Sta Maria,Laguna.

Ayon sa dating NPA, pagkatapos dinukot si Ex.Cpl.Valencia ay hinatulan sa Kangaroo Court ng NPA at agad pinatay.Ayon din sa dating NPA ang huling salita na nasabi ni Ex.Cpl.Valencia ay “Ibalik n’yo po ang bangkay ko sa pamilya ko,” bago saksakin sa Dibdib.

Noong August 4 sana ang nakatakdang kaarawan ni Ex.Cpl.Valencia. Ito ang araw na mismo syang matagpuang bangkay na.

Ayon  sa dating NPA Isa lang si Ex.Cpl.Valencia sa maraming naging biktima ng extra-judicial killings ng NPA sa Laguna, Rizal at Quezon na karamihang biktima ay mga inosenteng sibilyan dahil sa paniniwala ng NPA na sila ay espiya at nakikipagtulungan sa AFP at Pulis.


Related Video Courtesy of GMA News:

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Source:
http://www.journal.com.ph/index.php/news/provincial/10733-ex-soldier-exhumed-in-laguna-village





Popular Posts

Tanay most hated Person: Dennis Garcia

Dalawang taon na ang nakakaraan ng kumalat ang istorya tungkol sa Psycho Killer/Rapist na si Dennis Garcia. Tumatak sa mga taga tanay ang pangalang Dennis Garcia at nagdulot ito ng takot sa bawat mamamayan. Ayon sa Rizal PNP si Dennis Garcia ang suspect sa pagpatay sa isang 19 year old na si Kennely Calisura na taga Sampaloc, Tanay Rizal.(2007) Ayon sa mga nagkalat na tsismis that time..gumagala daw sya pag gabi at kumakatok sa ilang bahay sa bayan at paghindi pinagbuksan eh papasukin nya ito ng pwersahan at papatayin ang mga nakatira dito. May mga Istorya din na pumapatay din daw ito ng mga bading,tomboy,lalaki at babae sa kalsada kaya naman nawala ang mga tambay sa kanto at bihira narin ang gumagala pag gabi ex Military daw ito kaya naman walang makatalo dito at black belter pa daw. Nagsalin salin ang kwento at nadagdagan ng mga nakakatakot na istorya na umiikot sa buong bayan isama pa ang nagkalat na poster nito sa bawat school at kalsada. Kaya naman sikat na sikat ang...

Ang misteryo sa Calinawan Cave

Ang Calinawan Cave ay matatagpuan sa kabundukan ng Tanay,Rizal at ito ang isa sa pinagmamalaking likas na yaman ng Bayan ng Tanay.  Nakilala ang Calinawan Cave dahil dito madalas ginaganap or pinag sho-shootingan ng mga sikat na pelikula at palabas sa telebisyon. Lingid sa kaalaman ng Iba...Balot ng Misteryo ang kwebang ito. Iisa ang papasukan mong daan kung ikaw ay pupunta sa Calinawan Cave na patungo din sa Daranak Falls. Lubak ang kalsadang papunta sa kweba pero bago ka makapunta sa kweba agad kang babatiin ng magandang tanawin na tunay na sa Tanay lang makikita. Nagpunta ang BalitangHane sa Calinawan Cave.. pero kung kayo ay pupunta dito kailangan nyong magsabi muna kaya "Lola Tale" na nakatira sa tabi ng kalsada malapit sa kweba, dahil kailangan nyong magbigay alam sa kanila na gusto nyong pumasok dahil sila ang namamahala ng kweba.. pwede nyo rin silang rentahan as a Tour Guide para may matutunan din kayo tungkol sa kweba habang nasa loob nito. Pumunta la...

Kilalanin ang isa sa Haligi ng Sining Visual sa Tanay

Marahil ang ilan sa inyo ay nakakakilala kay Dionisio Pagalunan bilang isa sa matandang Pintor sa Bayan ng Tanay. ngunit alam nyo ba na, isa pala siya sa limang orihinal na founders ng Tanay Artist Group?  Kinabibilangan nila Mart Catolos, Nestor Villarosa, Tam Austria at Cris Agno at syempre si Mang Dionisio. Sila ang nagbigay ng pangalan at nagsimula ng Grupong Sining Visual sa Bayan ng Tanay, Base ito sa kwento at mga lumang larawan na pinakita nya sa amin. Litrato mula sa kanyang lumang Album. Isang Exhibit na kanilang dinaluhan noong taong 1980's Ngunit dahil sa tagal narin ng panahon dalawa sa limang kasama nila ay namayapa na at ang natitirang dalawa ay hindi na nakatira sa bayan ng Tanay, tanging si Mang Dionisio nalang ang nanatiling nakatira sa bayan ng Tanay. Si Dionisio Pagalunan ay Isa rin palang commercial model noong araw na lumabas sa ilang pahayagan at bukod dito ilang beses narin pala nalathala ang kanyang mga Obra. Kakaiba ang kanyang pagguhit ...