September 5, 2011, Cardona Rizal - Isang taga-Tanay ang namatay at 3 ang lubhang sugatan sa isang aksidente na naganap sa Sitio Balso,Brgy.Calahan,Cardona Rizal.
Sumalpok sa steel railings sa gilid ng kalsada ang sinasakyang motor ng mga biktima.
Isinugod sa Queen Mary of Help Hospital si Gerald Rebong 17 years old ng Bonifacio Ext.Brgy.Tandang Kutyo,Tanay Rizal na nagtamo ng malalang sugat sa ulo at katawan na namatay habang ginagamot sa hospital.
Kritikal naman sina Jay Delos Santos,19 at Jess Berana na parehas taga Tanay at Raymond Lozano,19 ng Pililla, Rizal na isinugod naman sa Morong General Hospital.
Ayon kay P01 Valeriano Mallo,Nangyari ang aksidente around 5:30 ng umaga.
Ang motorsiklo daw ay minamaneho ni Jaymart Ilagan,22 years old tricycle driver ng Brgy.Pinagkamaligan,Tanay,Rizal
Ang mga bikitima daw ay nakainom.
“Mga nakainom kasi silang lahat at sama-samang magkaangkas sa isang motorsiklo at dahil sa nakainom ay nagpagewang-gewang ang motor at sumalpok sa bakal na railing ng kalsada,”
Kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ang driver ng Motor.
Source: http://www.journal.com.ph/index.php/news/provincial/12766-stude-killed-3-hurt-in-mishap