Limang lalaki na suspect sa pagnanakaw ng mga panabong na manok sa Tanay ang napatay ng mga Pulis noong umaga ng Linggo (November 25, 2012). Ayon kay Senior Superintendent Rolando Anduyan, Rizal provincial chief, sa lima ay isa palang ang nakikilala, sa pangalang Diomario Peralta.
Ayon kay Supt. Samuel Delorino, Tanay police chief, nagsasagawa ang mga Awtoridad ng Check-point sa Barangay Tandang Kutyo, Tanay, Rizal at sa ganap na alas tres ng umaga (3 a.m.) napansin ng mga Awtoridad ang puting Mitsubishi van na may kasunod na Itim na motorsiklo, nakilala nila ito base sa mga tip ng ilang concerned citizen, na panay daw ang pag-iikot sa ilang cock breeding farms sa Sampaloc Road (1 a.m.)
Ayon kay Supt. Samuel Delorino, sinabihan nila ang mga residente na i-report ang ilang kahina-hinalang aktibidad sa lugar kung saan marami ang kaso ng mga nawawalang hayop.
Nag signal ang Police sa driver ng dalawang sasakyan para huminto pero hindi pinansin ang mga Pulis at sa halip huminto eh binilisan pa ang takbo ng kanilang sasakyan.
Pinaputukan ng mga Suspect ang mga Pulis habang hinabol sila at gumanti din naman ng putok ang mga Pulis laban sa mga Suspect.
Si Diomario Peralta at dalawa pa nyang kasamahan ang napatay sa loob ng Van sa palitan ng putok sa may tapat ng Heaven of Rest sa Bayan ng Tanay, nakatakas naman ang 2 suspect na nasa motorsiklo pero napatay din ng mga Awtoridad sa Bayan ng Morong, Rizal.
Tatlong Panabong na Manok ang nakuha sa loob ng Van, na nagkakahalaga daw ng P15,000 hanggang P50,000 o minsan hanggang P150,000.
"Some people say they’re just chickens but if you see the prices, especially if it’s a winning animal, you’d be surprised,”
Source:
Philippine Daily Inquirer
http://newsinfo.inquirer.net/313651/5-suspected-fighting-cock-thieves-shot-dead-by-cops