Sa Hirap ng Buhay ngayon maraming Pilipino ang nag-aasam ng magandang buhay para sa kanilang pamilya.
Kilalanin ang Magkakapatid na utulungan natin ang magkapatid na Helen Pulido-Dela cruz at Jane Pulido na nangarap at nagpunta sa Riyadh, bilang domestic helper noong March 19, 2011.
Subalit sa kasamaang palad hindi naging maganda ang kanilang kapalaran sa Riyadh, dahil minamaltrato sila ng kanilang Amo.
Ayon sa isang coordinator ng TOFW or (Tanayans OFW) na si Marvin Mangubat Matela sa Riyadh, Noong February 2012:
"3 days na daw clang ikinukulong ng amo nila nagsabi lng cl na uuwi cla kc namatay ang nanay nila tapos ikinulong na cla"
Inilagay nya ang munting panawagan sa TOFW Facebook Page at agad nagtulungan ang bawat myembro ng TOFW na magkaroon ng donation drive ang Grupo upang matulungan ang magkakapatid at sila narin ang nagbigay impormasyon sa embahada ng Pilipinas.
Ilang buwan din ang nagtagal at sa wakas nailigtas ang magkakapatid at napauwi sa Pilipinas sa tulong ng Philippine Embassy sa Riyadh at ng Tanayans OFW.
Hindi maitatago ng magkakapatid ang saya matapos silang makauwi ng Pilipinas at makaalis sa kanilang masamang Amo.
Ito ang personal na mensahe ng pasasalamat mula sa magkakapatid:
""SA LAHAT PO NG TUMULONG SA AMING MAGKAPATID MARAMING SALAMAT PO..LALONG LALO N PO ANG GRUPO NG TANAYANS OFW INTERNATIONAL GODBLESS U ALL PO S BUMUBUO N2 MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!!!!!!!SANA'Y MARAMI P PO KAYONG MATULUNGAN LALO N PO ANG MGA TAONG NANGANGAILANGAN!
MARAMING SALAMAT PO"
Aileen Piguing
Del Penano
Adelfa Chualong
Hershey Lenida
Ferdie Esguerra
Marylene Bautista
Floradesma Zamudio
Ricky Piguing
Vangie Penara
Clemente Ilustre Yanga
Sonia Catameo
Irma Javier
Ricardo Salinas
Tweetie H. Ramos Pagalunan
Jane Pagalunan
Unknown*
Nakakatuwang isipin na kahit wala pang isang taon ang TOFW eh meron na silang natulungan na kababayan natin na Taga-Tanay.
Mabuhay po ang bumubuo ng Tanayans OFW !
Ang TOFW po ay binubuo ng mga Taga-Tanay na naninirahan at nagtra-trabaho sa ibayong dagat para sa mga interesadong sumali sa groupo bisitahin lang ang kanilang offical Facebook Group.