Skip to main content

Radiation na detect sa Tanay


PNRI-PAGASA Station sa Sitio Mayagay,Tanay, Rizal
 March 29, 2011- Maliit na amount ng radition mula sa nasirang Nuclear Power Plant sa Japan ang na detect ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI)-PAGASA sa Station nila sa Tanay, Rizal.
Ngunit sinabi ni Science Undersecretary Graciano Yumul Jr. na wala dapat ikabahala ang mga mamamayan dito sa Pilipinas dahil sobrang liit daw ng radition ang kanilang na detect at wala daw itong banta sa kalusugan.

source: http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20110329-328241/PH-detects-harmless-radiation-from-Japan

Popular Posts

Tanay most hated Person: Dennis Garcia

Dalawang taon na ang nakakaraan ng kumalat ang istorya tungkol sa Psycho Killer/Rapist na si Dennis Garcia. Tumatak sa mga taga tanay ang pangalang Dennis Garcia at nagdulot ito ng takot sa bawat mamamayan. Ayon sa Rizal PNP si Dennis Garcia ang suspect sa pagpatay sa isang 19 year old na si Kennely Calisura na taga Sampaloc, Tanay Rizal.(2007) Ayon sa mga nagkalat na tsismis that time..gumagala daw sya pag gabi at kumakatok sa ilang bahay sa bayan at paghindi pinagbuksan eh papasukin nya ito ng pwersahan at papatayin ang mga nakatira dito. May mga Istorya din na pumapatay din daw ito ng mga bading,tomboy,lalaki at babae sa kalsada kaya naman nawala ang mga tambay sa kanto at bihira narin ang gumagala pag gabi ex Military daw ito kaya naman walang makatalo dito at black belter pa daw. Nagsalin salin ang kwento at nadagdagan ng mga nakakatakot na istorya na umiikot sa buong bayan isama pa ang nagkalat na poster nito sa bawat school at kalsada. Kaya naman sikat na sikat ang...

Kilalanin ang isa sa Haligi ng Sining Visual sa Tanay

Marahil ang ilan sa inyo ay nakakakilala kay Dionisio Pagalunan bilang isa sa matandang Pintor sa Bayan ng Tanay. ngunit alam nyo ba na, isa pala siya sa limang orihinal na founders ng Tanay Artist Group?  Kinabibilangan nila Mart Catolos, Nestor Villarosa, Tam Austria at Cris Agno at syempre si Mang Dionisio. Sila ang nagbigay ng pangalan at nagsimula ng Grupong Sining Visual sa Bayan ng Tanay, Base ito sa kwento at mga lumang larawan na pinakita nya sa amin. Litrato mula sa kanyang lumang Album. Isang Exhibit na kanilang dinaluhan noong taong 1980's Ngunit dahil sa tagal narin ng panahon dalawa sa limang kasama nila ay namayapa na at ang natitirang dalawa ay hindi na nakatira sa bayan ng Tanay, tanging si Mang Dionisio nalang ang nanatiling nakatira sa bayan ng Tanay. Si Dionisio Pagalunan ay Isa rin palang commercial model noong araw na lumabas sa ilang pahayagan at bukod dito ilang beses narin pala nalathala ang kanyang mga Obra. Kakaiba ang kanyang pagguhit ...

Jose Rizal o Andres Bonifacio ?

Isang Istatwa ng Ating pambansang bayani ang umagaw sa aking attensyon ng minsan mapadaan at makuhanan ko ng litrato ang Istatwa agad akong nagulat dahil hindi ko alam kung sinong pambansang bayani eto. Kasalukuyang nakatayo ang Istatwa sa harap ng Simeon R. Bendaña Sr. Memorial Elementary School (SRB-MES)  sa Bayan ng Tanay sa Rizal. Kung titingnan mabuti hindi nyo iisipin na si Bonifacio ito o si  Rizal man para kasing pinagsama si Rizal at si Bonifacio.  Matagal na ang naturang Istatwa ngunit hindi naman ito gaanong pansinin. Sa iyong palagay dapat bang panatilihin iyan o dapat palitan ng mas maayos na Istatwa?