Alam mo ba kung saan kuha ang larawang ito? Tagaytay? Baguio?
hindi ito ay kuha sa Tanay, Rizal! Hane po!
Nasubukan nyo na bang maggala sa Bandang Sitio Mayagay, Tanay Rizal?
Kung hindi pa eh aba subukan nyo kasama ang inyong mga barkada dahil maganda rin mag-motor doon dahil maayos ang kalsada at napaka super ganda ng tanawin!
Lagi lang tandaan na magsuot ng Helmet para safe!
30-40 minutes lang ang layo ng Sitio Mayagay sa Bayan ng Tanay, Rizal (Lagpas po ng Sampaloc)
Unang Tanawin ay ang Pranjetto Hills Hotel and Resort
may koonting restaurant din sa harap ng Pranjetto Hills Hotel and Resort at alam nyo ba na
dinarayo pa ito ng mga taga ibang lugar para pag ganapan ng Kasal, Reunion at Team Building.
Malamig at presko sa Sitio Mayagay kaya naman napa smooth ng byahe!
Next stop is Sierra Madre Hotel and Resort
Napakaganda rin ng Sierra Madre Hotel and Resort ito ay nakatayo mas mataas sa Pranjetto kaya naman
mas maganda ang tanawin dito.
Sa Entrance Fee na 50 pesos eh makakapasok ka sa garden ng resort kaya naman sulit din dahil maganda
at puro kalikasan ang makikita nyo.
may Golf course Zip line at iba pang fun activities ang pwedeng magawa nyo.
Next stop ok.. I know pamilyar ito sa inyo ito ang flagship photo ng Balitang Hane!
Ganto ang klase ng transportasyon sa kabundukan ng Tanay, hmm.. mukang kulang pa ang pasahero ah hehehe
bye po ingat, hane!
May nadaan din kaming military detachment pag lampas sa Barangay San Andress at Cuyambay.
dinarayo rin ito ng mga bikers at motor enthusiast from manila
dahil sa sobrang ganda ng view at ng kalsada.
Sa sobrang taas ng lugar na ito kitang kita na ang mga building sa Metro Manila!
Kita narin dito ang buiding sa The Fort , Taguig!
Next stop is Garden Cottages Tanay Rizal
kilala naman itong lugar na ito dahil meron daw ilang artista na may bahay sa Garden Cottages Tanay
Kita narin ang Foremost Farms na located din sa Bayan ng Tanay.
alam nyo ba na ang Foremost Farms ang punaka malaking babuyan sa S.E. Asia..
Ang kalsadang tinahak namin ay ang kalsadang nagduduktong sa Tanay, Rizal at Antipolo City
madalas dito ang byaheng Sampaloc to Cogeo na Jeep.
Kung nais nyong magpunta sa mga lugar na napuntahan ng Balitang Hane wag matakot dahil
Isang diretso lang ang tatahakin mo from Pranjetto hanggang Garden Cottages.
Napakasayang puntahan ang lugar na ito dahil sa sobrang tahimik at napaka aliwalas dito.
nakakalungkot lang dahil iilan pa lang ang mga taga tanay na nakakaalam ng mga lugar na ito.
After ma publish ito sana magtulungan tayo na ma share sa iba nating kaibigan ang Istoryang ito para
naman matulungan natin mapalago ang Local Tourism ng Bayan ng Tanay.
Ikaw naka punta kanaba dito?