Ginanap ang Pista ng Bayan ng Tanay noong January 22-23-24, 2011. Naging abala lahat ng mga taga Tanay simula sa unang araw ng kapistahan sa paghahanda at pag-aayos ng gayak ng bawat barangay.
Naging maayos ang naganap na Pista dahil sa pakikipagtulungan ng mga
sundalo at pulis na na lumilibot sa buong bayan.
Bagamat naging maulan naging mabuti naman
ang panahon ng mga sumunod na araw.
Tanay Bridge @Barangay Plaza Aldea. Tanay Town Fiesta Parada ng Tanay, January 24, 2011 Barangay Wawa, Banda Kabataan |
At gaya ng inasan inabangan din ang banda kabataan dahil sa galing nilang tumugtog.
Syempre hindi rin nagpahuli ang ibang banda ng barangay sa parada.
Agaw attention naman ang mga riders na ito na walang takot gumawa ng stunt sa parada.
Ban-drill Competition
Nakakalungkot lang na natalo ang barangay wawa sa hapon na iyon
last year kasi sila ang nanalo sa Baton.
Mga Diskarteng Hane
HINDI PO ITO KASAMA SA PISTA
Nakakatuwa lang panoorin ang mga nanonood sa ban-drill gagawin kc nila lahat
makapanood lang ng maayos.
kahit umuulan ng hapon na iyon hindi papapigil
ang mga kababayan natin!
naku po! ang upuan bibigay na ata!
2 in 1 ang purpose ng motor pwede ring patungan.
ang layo ng tingin ah!
At syempre gaya ng inaasahan nanalo ulit ang Banda Kabataan.
kaya naman maraming gustong magpapicture sa kanila.
Instant celebrity's ang mga member ng banda kabataan.
dahil pinagkakaguluhan sila bago at matapos mag perform sila.
mababait naman ang mga member nito nagpapicture pa nga sila sa dalawa kong kasama.
naging masaya ang natapos na Pista sa Tanay, ikaw ano ang kwentong Pistang Tanay Hane mo?