Sino nga ba ang hindi makakalimot sa ginanap na Hane Festival na lahat ng mga taga-Tanay eh naging proud sa kanilang bayan, maraming inihandog na programa ang pamahalaang bayan ng tanay para sa ikalawang pagdiriwang ng Hane Festival. Isa na nga dito ang Audio Visual Presentation Contest na bawat kalahok ay nagpamalas ng galing at talino sa paggawa ng AVP. Kilalanin ang team grafikted, sila ang nagkamit ng 1st place sa AVP Contest, noong November 12, 2012 na ginanap sa tanay park, sina Christian Jesus Cerillo, Lou Christian Ocenar at Jet Christian Reyta ay nagtulungan at pinagpuyatan ang AVP entry nila, Ayon kay Christian Jesus, dalawang araw lang nila ginawa ang kanilang entry, may mga trabaho sila kaya isa sa challenge eh ang oras na kakaylanganin nila para magawa nila ang kanilang entry. "Our will to succeed as young professionals in particularly to our field" Nagpapasalamat sila sa mga nag like at sumoporta sa kanilang entry.
Balitang Hane -Balitang Tanay na dapat malaman nyo na mula sa mapagkakatiwalaang sources sa Internet. Ang kauna-unahang Balitaang Pambayan ng Tanay, Rizal online!