Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2011

Hane Food Trip:Boyan's Mini Resto

Patuloy na umiikot ang BalitangHane sa paghahanap ng pinakamura at pinakasulit na kainan sa Bayan ng Tanay.Nitong nakaraang Sabado napadpad kami sa Boyan's Mini Resto sa Sampaloc Road, Tanay, Rizal malapit sa Tanay National High School. Good Side: Pagpasok palang ng Grupo namin sa kanilang kainan after namin pumuli ng ulam, agad kaming inasikaso naglagay sila ng tissue paper ( na wala sa ibang kainan) at Bote ng Tubig at baso. Maayos at malinis ang kanilang kainan at napakamura ng mga pagkain. Nag order kami ng Binahog at bangkakasarap talaga lalo na ang sabaw. P20 lang ang order ng Binahog kaya naman walang masama kung mag order ka pa ng extra-rice! Maginhawa din sa resto nila dahil may bintilador. ____ Down Side: Medyo mahirap hanapin ang pwesto nila lalo na pag may mga nakaparadang tricycle sa harap nila, kaya pag kayo ay pupunta dito talasan nyo ang mata nyo. ____ Mura at sulit kumain sa Boyan's Mini Resto kaya naman rekomendado ko kumain dito lalo

Ang misteryo sa Calinawan Cave

Ang Calinawan Cave ay matatagpuan sa kabundukan ng Tanay,Rizal at ito ang isa sa pinagmamalaking likas na yaman ng Bayan ng Tanay.  Nakilala ang Calinawan Cave dahil dito madalas ginaganap or pinag sho-shootingan ng mga sikat na pelikula at palabas sa telebisyon. Lingid sa kaalaman ng Iba...Balot ng Misteryo ang kwebang ito. Iisa ang papasukan mong daan kung ikaw ay pupunta sa Calinawan Cave na patungo din sa Daranak Falls. Lubak ang kalsadang papunta sa kweba pero bago ka makapunta sa kweba agad kang babatiin ng magandang tanawin na tunay na sa Tanay lang makikita. Nagpunta ang BalitangHane sa Calinawan Cave.. pero kung kayo ay pupunta dito kailangan nyong magsabi muna kaya "Lola Tale" na nakatira sa tabi ng kalsada malapit sa kweba, dahil kailangan nyong magbigay alam sa kanila na gusto nyong pumasok dahil sila ang namamahala ng kweba.. pwede nyo rin silang rentahan as a Tour Guide para may matutunan din kayo tungkol sa kweba habang nasa loob nito. Pumunta lang k

KBP nagtanim ng mga Puno sa Tanay

October 1, 2011 - Naglungsad ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas(KBP) ng Tree Planting Activity sa kabundukan ng Tanay,Rizal na tinawag na “Broadcastreeing” na dinaluhan ng higit sa Isang libong kalahok .Bukod sa mga media practioners nakilahok din ang Ilang tao mula sa ibat-ibang sector ng lipunan: Department of Environment and Natural Resources, Department of Interior and Local Government, civic organizations, simbahan at mga Estudyante nakilahok din ang Ilang representatives mula sa Pamahalaang Bayan ng Tanay at ilang kalapit na bayan. Lahat ay samasamang nagtanim ng 10,000 Tree seedlings, samantala nagtulungan ang mga Pulis at Sundalo para magbigay seguridad sa mga participants, nagbigay tulong din ang Generika Drugstore sa pamamagitan ng kanilang first aid station. Source http://www.tempo.com.ph/2011/kasangga-joins-broadcastreeing/