Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2011

Tanay binayo ng dami ng ulan ni Pedring-PAGASA

Dike, Brgy.San Isidro - BH don't used without permission  Ayon sa data ng PAGASA ang bagyong Pedring ay may lakas na hangin na umabot sa 130 Kilometro kada-oras. Ang Bayan ng Tanay ang nakatangap ng pinakamaraming dami ng ulan mula kay Bagyong Pedring. Tanay, Rizal 148.2 mm Virac, catanduanes 136.4 mm Quezon City 121 mm San Jose, Mindoro 97.6 mm Sangley Point Cavite 83.4 mm Port Area, Manila 82.8 mm NAIA 75.4 mm BH don't used without permission Gayon paman nakapaghanda ang LGU ng Tanay pati ang mga mamamayan nito na nakatira sa malapit sa Tanay River. Halos mapuno naman ang ilang water ways at sapa ngunit hindi umapaw ang Ilog ng Tanay. Rodriguez St.,Tanay, Rizal (BH don't used without permission) Souce: http://newsinfo.inquirer.net/66217/expect-stormy-weather-in-next-2-days%E2%80%94weather-bureau

Motor sumalpok, Binatilyo Patay!

September 5, 2011, Cardona Rizal - Isang taga-Tanay ang namatay at 3 ang lubhang sugatan sa isang aksidente na naganap sa Sitio Balso,Brgy.Calahan,Cardona Rizal. Sumalpok sa steel railings sa gilid ng kalsada ang sinasakyang motor ng mga biktima. Isinugod sa Queen Mary of Help Hospital si Gerald Rebong 17 years old ng Bonifacio Ext.Brgy.Tandang Kutyo,Tanay Rizal na nagtamo ng malalang sugat sa ulo at katawan na namatay habang ginagamot sa hospital. Kritikal naman sina Jay Delos Santos,19 at Jess Berana na parehas taga Tanay at Raymond Lozano,19 ng Pililla, Rizal na isinugod naman sa Morong General Hospital. Ayon kay P01 Valeriano Mallo,Nangyari ang aksidente around 5:30 ng umaga. Ang motorsiklo daw ay minamaneho ni Jaymart Ilagan,22 years old tricycle driver ng Brgy.Pinagkamaligan,Tanay,Rizal Ang mga bikitima daw ay nakainom. “Mga nakainom kasi silang lahat at sama-samang magkaangkas sa isang motorsiklo at dahil sa nakainom ay nagpagewang-gewang ang motor at sumalpok sa bak