Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2011

Radiation na detect sa Tanay

 PNRI-PAGASA Station sa Sitio Mayagay,Tanay, Rizal  March 29, 2011- Maliit na amount ng radition mula sa nasirang Nuclear Power Plant sa Japan ang na detect ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI)-PAGASA sa Station nila sa Tanay, Rizal. Ngunit sinabi ni Science Undersecretary Graciano Yumul Jr. na wala dapat ikabahala ang mga mamamayan dito sa Pilipinas dahil sobrang liit daw ng radition ang kanilang na detect at wala daw itong banta sa kalusugan. source: http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20110329-328241/PH-detects-harmless-radiation-from-Japan

Dalawang Sundalo sangkot sa banggaan sa Tanay

March 14, 2011, 5:30 ng hapon- Dalawang miyembro ng Philippine Army at dalawang sibilyan ang sugatan matapos magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Sampaloc Road, Sitio Balimbing, Plaza Aldea, Tanay, Rizal. Kinilala ng mga otoridad ang mga biktima na sina: Walter De Guzman at Elizabeth Peralta na taga Sampaloc, Manila at sina PFC. Harvy Flores Anoy, PFC Benedict Gaspar na nakatalaga sa Camp Capinpin sa bayan ng Tanay. sakay ang dalawang sundalo sa isang Suzuki Raider(WM-5307) at sakay naman sa Honda XR 200(UK-6883) sina De Guzman at Peralta na parehas tinatahak ang sampaloc Road sa magkasalungat na lanes. Ayon sa mga nakakita bigla daw sinakop ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang sundalo ang kabilang lane ng kalsada dahilan para masalpok ang inasakyang motorsiklo nina De Guzman at Peralta. Agad isinugod sa Tanay General Hospital ang mga biktima bago inilipat sa V. Luna Hospital sa Quezon City. source http://www.pinoyparazzi.com/2-sundalo-2-pa-sugatan-sa-banggaan-ng-motorsiklo

Summer Job Fair sa STI Tanay 2011

Nandito na ang pinakahihintay na Job Fair sa Bayan ng Tanay. When: April 1 and 2 ,2011, 9 am to 3pm Where: STI College Tanay Lahat ay imbitado na makilahok sa Summer Job Fair 2011.

Binatilyo nahagip, patay!

Linggo, March 20, 2011: Isang 18 years old na Binatilyo ang namatay matapos mahagip ng motorsiklo sa Brgy. Quisao, Pililla, Rizal. Kinilala ang biktima na si Reniel Polan, 18, ng Brgy. Quisao, Pililla, Rizal. samantala nasaktan din ang driver ng motorsiklo sa aksidente na si Francis Monforte, 27 na taga Catapusan St., Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal. Ayon kay Francis Monforte : “Bigla na lang po siyang tumakbo patawid, kaya sa bigla ko ay di ko nakontrol ang manibela at nahagip ko siya,” source

Tatlong Preso pumuga sa Tanay Municipal Jail

Sinimulan na ng Pulis ang manhunt operation sa Tatlong presong tumakas sa Tanay Municipal Jail. Ang mga naturang preso ay nahaharap sa kasong rape, robbery at theft. Pangalan ng mga presong tumakas: Roger Orillo Si Roger Orillo ay may kasong rape. Ricky Buenaventura Si Ricky Buenaventura na nahaharap sa kasong theft. Gilbert Rivera Si Gilbert Rivera na nahaharap sa kasong robbery. Base sa naunang imbestigasyon na ginawa ng mga pulis tumakas ang mga preso nung huwebes ng madaling araw bandang 2 a.m. at 3 a.m. pagkatapos lagariin ang bakal na grill sa bubong ng kulungan. Ang pagtakas ay natuklasan kinaumagahan pagkatapos ng ginawang head count ng mga preso. <p><p>This page requires a higher version browser</p></p> For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV source: http://www.gmanews.tv/story/215010//t

Tanay most hated Person: Dennis Garcia

Dalawang taon na ang nakakaraan ng kumalat ang istorya tungkol sa Psycho Killer/Rapist na si Dennis Garcia. Tumatak sa mga taga tanay ang pangalang Dennis Garcia at nagdulot ito ng takot sa bawat mamamayan. Ayon sa Rizal PNP si Dennis Garcia ang suspect sa pagpatay sa isang 19 year old na si Kennely Calisura na taga Sampaloc, Tanay Rizal.(2007) Ayon sa mga nagkalat na tsismis that time..gumagala daw sya pag gabi at kumakatok sa ilang bahay sa bayan at paghindi pinagbuksan eh papasukin nya ito ng pwersahan at papatayin ang mga nakatira dito. May mga Istorya din na pumapatay din daw ito ng mga bading,tomboy,lalaki at babae sa kalsada kaya naman nawala ang mga tambay sa kanto at bihira narin ang gumagala pag gabi ex Military daw ito kaya naman walang makatalo dito at black belter pa daw. Nagsalin salin ang kwento at nadagdagan ng mga nakakatakot na istorya na umiikot sa buong bayan isama pa ang nagkalat na poster nito sa bawat school at kalsada. Kaya naman sikat na sikat ang