Dahil sa kahirapan ng pamumuhay ng mga tao sa Sitio Macantog, Barangay Tandang Kutyo, Tanay, Rizal napansin at natulungan sila ng "Rescue" na isang programa sa GMA-7. Hindi ordinaryong programa ang ginawa ng Rescue dahil ito ay isa sa kanilang Special 1st Anniversary Episode at first time ito ginawa nila. Kasing Hirap ng pagpunta sa Sitio ang pamumuhay ng mga tao doon. Ang inuming tubig nila na mula sa balon ay madalas magkaroon ng mga dumi na nakakaapekto sa pagkuha nila ng tubig, Hindi biro rin ang pagsasalok ng tubig nila sa mababatong daan at sa layo ng salukan tiyak na pagod ang mararamdaman mo pag hindi ka sanay. Ang ilan din sa kanila ay kulang sa atensyong Medikal marami sa mga nakatira dito ay hindi alam na may mga sakit pala sila. Madalas din ang mga namamatay na bata dahil sa ilang sakit sa sitio. Malayo din ang nilalakad ng mga bata dito upang makapasok sa eskwelahan na pag tag-ulan ay basang-basa at pag tag-init naman ay basang-basa naman ng pawis. S
Balitang Hane -Balitang Tanay na dapat malaman nyo na mula sa mapagkakatiwalaang sources sa Internet. Ang kauna-unahang Balitaang Pambayan ng Tanay, Rizal online!