Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2011

Babae natagpuang patay sa loob ng Motel sa Sitio Bukal, Tanay, Rizal

Isang 23 na anyos na babae ang natagpuang hubad at wala ng buhay sa loob ng Singapore Lodge sa Sitio Bukal, Barangay Tandang Kutyo, Tanay,Rizal Kahapon ng 3 a.m. Kinilala ang biktima na si Grace dela Cruz na nakatira sa Manila East Road, Barangay Plaza Aldea sa bayan din ng Tanay. Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng Tanay police, nag checked-in ang babae kasama ang Tatlong lalaki na omokupa sa isang kwarto. Nalaman ang krimen matapos kumatok ang tauhan ng Lodge na si Alma del Barrio sa pinto ng mga nag checked-in. matapos ang ilang pagkatok ni Alma walang sumasagot kaya agad binuksan ang pinto gamit ang duplicate na susi. Nagulat si Alma ng makita nya ang hubad na katawan at wala ng buhay ng isang babae at napansin din nya na wala na ang tatlong lalake na kasama nito. Ayon sa Tanay Police merong posibilidad na Gang Rape ang babae bago ito pinatay. Inimbitahan ng Tanay Police ang mga tauhan ng motel para makilala ang tatlong lalake na kasama ng babae para mabigyang katarungan

Wawa Tinalo ang San Isidro sa Palarong Pambayan ng Tanay 2011!

May 10, 2011- Ginanap sa Tanay Gym ang Palarong Pambayan ng Tanay 2011 na pinangunahan ng Sangguniang Bayan ng Tanay halos mapuno ang gym sa sobrang dami ng tao. Kasing Init ng Gabi ang laban ng magkabilang barangay. Ito ang Quarter scores ng Magkabilang Barangay. Quarter                                         Barangay Wawa                         Barangay San Isidro    1                                                       16                                                    16    2                                                       33                                                    29    3                                                       48                                                    49    4                                                       68                                                    63 From 1st to 3rd Quarter naghahabulan ang score ng dalawang team pero ng makaarangkada ang wawa ng higit sa sampung points iniwan na nila ang San Isidro a

Brgy. Mamuyao sa Tanay inatake ng mga hinihinalang NPA

May 7, 2011 - Limang Sundalo at Dalawang Sibilyan ang sugatan sa pag atake ng mga hinihinalang mga NPA sa Barangay Mamuyao, Tanay, Rizal. Ito ay kinompirma ng tagapagsalita ng Militar noong sabado. Nakipagbakbakan ang ang 16th Infantry Battalion laban sa mga rebelde na umabot sa Limang Minuto. Habang naglalaban naghagis di-umano ang mga rebelde ng mprovised explosive device sa mismong tapat ng Day care center na ikinasugat ng limang sundalo at dalawang sibilyan. Agad naman dinala sa Hospital ng Camp Capinpin ang mga sugatan. Source Phil. Star http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=683561&publicationSubCategoryId=200