Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2011

TNHS Holdaper huli sa Tanay

Naku po ninong ko bakit kaya dumadami ang mga loko sa bayan ng tanay? Kamakailan lang Peprero 18, 2011 around 7 pm. dalawang estudyante ng Tanay National High School (Victoria Turbila at Rishilla Terora kapwa 14 years old ) na naglalakad pauwi ang walang awang hinoldap ng dalawang holdaper. Ayon sa report: Hinarang umano ng mga suspek at agad tinutukan ng patalim ang mga biktima at nagdeklara ng holdap at agad din kinuha ng mga lokong suspek ang mga cellphone ng mga kawawang estudyante at saka umalis palayo sa mga biktima. Pagkatapos ng pangyayari agad nagpunta sa Police Station ng Tanay ang mga biktima para magsumbong. Hanga ang Balitang Hane sa Pulis Tanay dahil ilang oras palang ang nakakalipas ay nasakote na ang mga lokong suspek. Kinilala ang suspek na sina Michael Silahis at isang 17 anyos na lokong binatilyo na parehas taga Barangay Plaza Aldea, Tanay, Rizal. Loko talaga tong mga holdaper na ito hane? eh nag hahapit na nga ang mga estudyante kaya naglalakad putek nam

Pasukin ang Bahay sa Wawa

Sa mga nagagawi sa Barangay Wawa sa kahabaan ng Pastor G. Santos Street hindi maiiwasan mapatingin sa isang gusali na animoy Italian inspired na bahay at hindi rin maiwasang mapag-usapan. Ito ang Alfonso Residence na sinimulang gawin Year 2005. Ang bahay ay pagaaari ng Pamilya Alfonso na nakabase sa Canada. Nagkaroon ng pagkakataon makapasok ang Balitang Hane sa loob ng naturang bahay. Front-yard  Mapapansin ang mga maliit at cute na duwende sa garden ng bahay. Front Door. The Tower. Inside: the receiving area Bathroom: May tatlong bathroom sa bahay dalawa sa baba at isa naman sa taas. Napahanga naman kami sa jacuzzi sa second floor. Backyard: Ayon sa may-ari hindi pa gaanong tapos ang construction ng bahay nila ngunit  naging attraction na ito sa naturang barangay. ikaw ano masasamo sa bahay na ito?

ABS-CBN Caterer patay sa aksidente

Alas dos ng madaling araw. ng Sabao February 12, 2011,  Isang lasing na driver na nagmamaneho ng Innova ang nakabangga ng isang Toyota Revo sa k-7 corner k-8 street sa West Kamias, Quezon City. nakaligatas ang lasing na driver ngunit patay naman ang 2 sakay ng toyota revo na kinilala sa pangalang: Ella Fernandez at Hillaria Garcia. Si Hillaria Garcia ay isang ABS-CBN caterer at mamimili sana sila ng mga sangakap sa palengke para sa taping ng OKATOKAT sa Tanay, Rizal ng masalpok sila ng Innova ng lasing na Driver na si Areld Payofelin. Agad naman inamin ng suspect na kasalanan nya ang lahat. Source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/02/12/11/drunk-driver-kills-2-qc

Tagong Paraiso sa Tanay Rizal

Alam mo ba kung saan kuha ang larawang ito? Tagaytay? Baguio? hindi  ito ay kuha sa Tanay, Rizal! Hane po! Nasubukan nyo na bang maggala sa Bandang Sitio Mayagay, Tanay Rizal? Kung hindi pa eh aba subukan nyo kasama ang inyong mga barkada dahil maganda rin mag-motor doon dahil maayos ang kalsada at napaka super ganda ng tanawin! Lagi lang tandaan na magsuot ng Helmet para safe! 30-40 minutes lang ang layo ng Sitio Mayagay sa Bayan ng Tanay, Rizal (Lagpas po ng Sampaloc) Unang Tanawin ay ang Pranjetto Hills Hotel and Resort  may koonting restaurant din sa harap ng Pranjetto Hills Hotel and Resort at alam nyo ba na  dinarayo pa ito ng mga taga ibang lugar para pag ganapan ng Kasal, Reunion at Team Building. Malamig at presko sa Sitio Mayagay kaya naman napa smooth ng byahe! Next stop is Sierra Madre Hotel and Resort  Napakaganda rin ng Sierra Madre Hotel and Resort ito ay nakatayo mas mataas sa Pranjetto kaya naman  mas maganda ang tanawin dito. Sa Entrance Fee na 50 pe